• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Elijah Canlas na maraming beses din siyang hindi nakapasa sa mga audition noon.

Elijah Canlas, may payo sa mga baguhan na artista tulad niya

Inamin ni Elijah Canlas na maraming beses din siyang hindi nakapasa sa mga audition noon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/11/2020 02:22 PM
Elijah Canlas, may payo sa mga baguhan na artista tulad niya
Photo Credit to Sinag Maynila Facebook

Ayon sa kuwento ng Asian Film Festival best actor na si Elijah Canlas para sa pelikulang Kalel, 15, ay maraming beses siyang nag-audition noon sa mga teleserye at pelikula pero umuuwi siyang luhaan.

“Nag-try din po ako sa TV, sa All of Me, kay JM de Guzman po, nagkaroon po ako ng role don, maliit lang po. Yon pa lang yung experience ko sa TV at that time.

“Mga 2015 I stopped acting po muna to focus sa studies ko. Then nung 2018 na-inspire po ulit akong bumalik dahil na-miss kong gumawa ng pelikula at magsyuting,” pagre-recall ng binatang bida ng BL series na Gameboys.


Sina Ferdy Lapus at ang mag-partner na sina Direk Jun Lana and Direk Perci ng The Idea First Company ang tumatayong manager ngayon ni Elijah, na manager din ni Kokoy de Sanos na kapareha niya sa Gameboys.

Ibinahagi rin ni Elijah kung paano nabago ng Gameboys series ang kanyang buhay ngayon.

“Dahil pandemic at dahil nasa loob tayo ng mga bahay natin paranghindi pa po talaga namin nararamdaman na kilala na ako and all of that. Pero po ramdam ko siya kahit papaano kasi before Gameboys, before pandemic, private po lahat ng social media accounts ko.

“Mahiyain po kasi talaga ako sa totoong buhay. Medyo private po talaga ako as a person. Ever since Gameboys, dahil nga po madalas puro indie ang ginagawa ko, ito pong Gameboys yung first venture ko into mainstream media, kasi yung YouTube po is like the most mainstream platform there is for video content. Kaya po yon nag-public po ako (ng account).

“Tapos yon nga, dumami yung followers ko, hindi ko na makita lahat ng notifications ko na dati bilang ko lang sa daliri ko yung mga natatanggap kong notifications or messages kaya do’n ko po siya nararamdaman. Medyo surreal pa rin po talaga siya, hindi pa rin nagsi-sink-in,” masaya niyang kuwento sa Facebook Live ng kaibigang Ogie Diaz.

Katulad ng ibang aktor ay meron ding dream role si Elijah.

Aniya, “Ang dami-dami pa pong roles na hindi ko nagagampanan, eh, pero pinakapangarap ko po talaga is to portray a mentally disabled character – yon po yung pinakapangarap ko. I’m sure sobrang hirap no’n that’s why it excites me so much.

“Isa pa pong pangarap ko ay maging isang action star. Hahaha! Gusto po yung mga (muwestra na parang bumabaril). Nagkaroon na po ako ng mga gun training, pati po stunts training. Mahilig din po ako sa mga action films, natutuwa po ako lalo na yung mga FPJ, ganyan.”

Nagbigay din ng advice si Elijah para sa mga baguhang nangangarap mapansin sa entertainment industry.

 “Ang masasabi ko lang po huwag lang mawawalan ng pag-asa, don’t lose hope and just believe in yourself. And siyempre, have these circle of people who’d believe in you also, kasi na-experience ko na rin po na yung mga circle of friends ko hindi masyadong naniniwala sa akin at mas nakakapagpa-down pa po yon ng pakiramdam kaya po medyo napalayo po muna ako sa industriya.

“Pero you have to believe in yourself and you have to have people who believe in you also para mas lumakas po yung confidence ninyo. Pero mainly po, you have to keep working hard kasi at the end of the day naniniwala po talaga ako na it’s still about skill, it’s still about talent. If you can portray characters the best way you can and if you can tell their stories in the best way you can you always have a shot.

“Pero ako din po, hindi ko na po mabilang kung ilang beses akong nag-auditions sa mga bagay-bagay tapos bigla na lang hindi matatanggap. Ganun po talaga yung pagdadaanan, eh. You have to go through that,” encouraging words mula kay Elijah.