Kinumpirma ng banyagang actor mula sa Spain na si Antonio Banderas na nag-positibo siya sa coronavirus (COVID-19) disease.
Sa isang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang isang litrato noong siya ay maliit pa, malungkot na ibinalita ni Banderas sa kanyang mga tagahanga sa wikang Español ang kanyang pagkakaroon niya ng COVID sa kanyang ika-60th na kaarawan.
“Hello everyone, I want to make public that today, August 10, I am forced to celebrate my 60th birthday following quarantine, having tested positive with COVID-19 disease," ani Banderas sa kanyang post na isinalin ng CNN sa Ingles.
Ngunit ayon kay Banderas, niniwala siya na malalagpasan niya ang pagsubok na ito lalo pa’t maganda umano ang lumalabas na mga resulta ayon sa mga pagsusuri.
"I would like to add that I feel relatively well, just a little more tired than usual and confident that I will recover as soon as possible following the medical indications that I hope will allow me to overcome the infectious process that I suffer and that is affecting so many people around the planet,” saad ni Banderas.
Pagpapatuloy pa ni Banderas, gagamitin niya umano ang panahon na ito upang magbasa, magsulat at makapagpahinga kasunod ng pagsalubong niya sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya.
“I will take advantage of this isolation to read, write, rest and continue making plans to begin to give meaning to my 60th year to which I arrive full of enthusiasm. A big hug to everyone."
Kilala si Banderas sa husay nito sa pagganap ng iba’t-ibang karakter sa pelikula at telebisyon hindi lang sa España kundi pati na sa Hollywood.
Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ni Banderas ang “Assassins” at “The Mask of Zorro.” Kinilala din ang kanyang pagbibigay boses sa karakter ni Puss in Boots sa Shrek franchise.