• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang pumuri kay Yohan dahil sa pag-awit nito ng kanta ni Adele na ‘Someone Like You.’

Anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan, nagpabilib sa pag-awit ng kanta ni Adele

Marami ang pumuri kay Yohan dahil sa pag-awit nito ng kanta ni Adele na ‘Someone Like You.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/11/2020 08:37 AM
Anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan, nagpabilib sa pag-awit ng kanta ni Adele
Screenshot from @ryan_agoncillo Instagram

Marami ang humanga sa anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan matapos nitong awitin ang kanta ng English singer-songwriter na si Adele. 

Sa isang Instagram post noong Huwebes, Agosto 6, proud na ibinahagi ni Rryan ang isang video kung saan inaawit ng panganay nilang anak ni Judy na si Yohan ang kanta ni Adele na pinamagatang “Someone Like You.” 

READ: ‘Lots of potential’: Yohan Agoncillo, hinangaan ng netizens sa kaniyang Someone You Loved cover


Hindi naman napigilan ng mga taga-hanga nina Ryan at Juday na purihin ang kanilang anak dahil sa ipinamalas nitong talento hindi lang sa pag-awit kundi pati na din sa pagtugtog ng piano.

Samantala, hindi naman mapigilan nina Ryan na purihin ang kanyang anak nang matapos ito sa kanyang pagkanta at sinabing: “Good job! You’re on my team!”

Sabi naman ni Juday: “That’s my girl.”

READ: Judy Ann Santos on adopting Yohan: ‘It changed my life’

Ngunit hindi lang ang mga netizens kundi pati na ang ilan sa mga malalapit na kaibigan nina Ryan at Juday sa industriya ay napilib ni Yohan sa kanyang pag-awit. 

Ilan lamang sina Dingdong Dantes, Drew Arellano, Beth Tamayo, Valeen Montenegro at Frankie Pangilinan ang pumuri kay Yohan. 

Panoorin ang cover sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

by adele

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

 

Sa ngayon ay umabot na sa higit kalahating milyong ang nakuhang views ng nasabing video. 

Maliban kay Yohan ay dalawang anak pa sina Ryan at Juday na sina Lucho at Luna.