• Home
  • Fresh Scoops
  • Patuloy ang dasal at panalangin ng mga kaibigan ni Mr Gay World Philippines owner Wilbert Tolentino para sa kaniyang agaran na pag-galing.

Mr Gay World Ph owner Wilbert Tolentino, patuloy ang laban sa COVID-19

Patuloy ang dasal at panalangin ng mga kaibigan ni Mr Gay World Philippines owner Wilbert Tolentino para sa kaniyang agaran na pag-galing.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/10/2020 06:44 PM
Mr Gay World Ph owner Wilbert Tolentino, patuloy ang laban sa COVID-19

Dagdag na dasal at panalangin ngayon ang hiling ng Mr Gay World Philippines franchise owner at negosyante na si Wilbert Tolentino para sa kaniyang agaran na pag-galing.

Sa mga ibinahaging videos at retrato ni Wilbert sa kaniyang Facebook, makikita ang nakalulungkot na sitwasyon niya ngayon na habang naka ratay sa hospital na lumalaban sa COVID-19.


Tadtad man ng nakasaksak na aparato, nanatiling positbo si Wilbert na patuloy rin ang pagbibigay update sa social media para ibahagi sa kaniyang mga followers at mga mahal sa buhay na labis ang pag-aalala ngayon.

Sa huling social media post ni Wilbert nitong Sabado ng gabi, makikita rin ang tila patuloy na paglala ng kaniyang sitwasyon.

Aniya, kailangan na niyang dalhin sa ICU (Intesive Care Unit) para tutukan ang kaniyang sitwasyon.

Si Wilbert Tolentino ay kilala bilang Franchise Holder ng Mister Gay World Philippines kung saan nanalo si John Raspado noong 2017 at John Jeffrey Carlos nitong 2019.

Si Wilbert rin ang nagmamay-ari ng ilang negosyo tulad ng Fahrenheit Cafe and Fitness Center.

Kilala rin si Wilbert bilang supporter ng mga programa ng LGBTQ community.