• Home
  • Fresh Scoops
  • Anak ni John Regala sa dating entertainer na si Vilma Santos lumantad.

Lalaking nagpakilala na anak ni John Regala lumantad, nagpa-DNA test

Anak ni John Regala sa dating entertainer na si Vilma Santos lumantad.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/10/2020 08:30 AM
Lalaking nagpakilala na anak ni John Regala lumantad, nagpa-DNA test

Sa gitna ng pagkakasakit ng magaling na character actor na si John Regala ay ang paglantad naman ng isang lalaki na nagsasabing siya ay anak daw ng aktor.

Si John ay kasalukuyang naka-confine sa National Kidney Institute para sa kaukulang medikasyon dahil sa pagkakaroon ng liver cirrhosis at tinutulungan ng ilang mga taga entertainment industry.

Ang nagki-claim na tatay niya si John ay si John Santos, isang truck driver na taga-Batangas. Ang pangalan ng nanay ni John ay Vilma Santos (hindi ang aktres) at dati siyang nagtatrabaho sa Japan bilang entertainer.


Santos ang ginamit na apilyedo ni John dahil ito ang surname ng ina niyang si Vilma.

Ayon kay John Santos ay wala siyang ibang motibo sa ginawang paglantad kung hindi ang kilalanin siya at tanggapin ni John bilang anak. Hindi rin daw niya ito ginawa para sa sariling interes tulad ng yaman na meron si John dahil alam daw naman niyang wala itong pera ngayon.

Nang malaman ni John na may gustong magpakilala sa kanya from his past at nagke-claim na anak siya nito ay gusto niyang makipagkita dito.

Hinihintay pa ngayon ang resulta ng DNA test kung talaga magkadugo ang dalawa.