Ethel Booba, ibinahagi ang pangamba ngayong pandemya

Ethel Booba, ibinahagi ang pangamba ngayong pandemya

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/11/2020 03:06 AM
Ethel Booba, ibinahagi ang pangamba ngayong pandemya
Photo credit: @ethelbooba IG

Sa naganap na kuwentuhan nila ni Toni Gonzaga sa isang episode ng I Feel U, ibinahagi ni full time mom at stand up comedienne Ethel Booba ang isa sa mga pangamba niya ngayong pandemya.

Ayon kay Ethel, ikinalungkot niya ang kinahinatnan ng mga comedy bars na pinagkukunan ng pangkabuhayan ng kaniyang mga kasamahang performers.

READ: Allan K's comedy bars Zirkoh, Klownz to close amid COVID-19 crisis: report


“Siyempre ‘yun din ang worry ko, nagwo-worry ako na ‘ano kaya?’ Natutulala na nga lang ako e’ na parang gusto mo umiyak, parang parang ano na kaya ang mangyayari ano na kaya ang future. Lalo na kami,” emosyonal na tugon ni Ethel.

Patuloy pa niya: “Nagsara na nga ‘yung mga bar, wala talaga akong idea kung ano ang mangyayari.”

May pangamba man, mas nais na ituon ni Ethel ang kaniyang oras at panahon sa kaniyang only daughter na si Michaela.

Aniya, mawalan man ng trabaho isa lang rin ang kaniyang panalangin ngayon.

“Ngayon wala na sa ‘kin, sa baby ko na, ang biggest fear ko sana ‘wag kami magkasakit, ‘yun lang ang lagi ko pinagpi-pray, parang ‘sige wag na lang mag bukas ang mga comedy bar, basta wag lang kami magkasakit,’” sabi pa ni Ethel.

Bilang bagong ina rin, hindi lubos na akalain ng stand-up comedienne na kakayanin niya pang magmahal ng higit sa kaniyang buhay nang dumating ang anak.

“Yung magmahal pa nang higit pa sa sarili ko. ‘Yun ang na discover na parang na amaze ako sa sarili ko, na. Parang grabe nagawa ko to ‘yung mag tiyaga, ‘yung mag sacrifice kasi mahal na mahal mo ‘yung kaya mong gawin lahat. Ganun ‘yun ang na discover ko talaga,” kuwento ni Ethel.

Ito lang rin daw ang pagkakataon na naging expressive siya sa kaniyang nararamdaman nang dumating ang anak.

“Lagi ko naman sinasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya , ako kasi bihira ako magsabi nang ganun, pero sa kanya. Mahal na mahal ko siya masasabi mo pala talaga pag may anak kana talaga. Kaya mong ibigay ang buhay mo sa kanya kaya sa kanya na lang umiikot ang mundo ko ngayon,” pahayag pa ni Ethel.

Sa ngayon, stay at home si Ethel kasama ang kaniyang anak at partner na si Jessie Salazar.