• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, ibinahagi ang kaligayahan sa pag-tutok sa pamilya

Dimples Romana, ibinahagi ang kaligayahan sa pag-tutok sa pamilya

Dimples Romana, ibinahagi ang kaligayahan sa pag-tutok sa pamilya

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/25/2020 08:25 PM
Dimples Romana, ibinahagi ang kaligayahan sa pag-tutok sa pamilya
Photo credit: @dimplesromana IG

Hindi maitatangi ng character actress na si Dimples Romana ang positibong bagay na idinulot ng pandemya sa kanyang relasyon sa kaniyang pamilya.

Sa panayam ng I Feel U kay Dimples, ibinahagi niya ang relasyon niya sa kaniyang anak at sa asawa.

“Alam mo the biggest adjustment during this pandemic, the moment I woke up in the morning, simula nang nagsimula ‘tong pandemya na ito, na realize ko na first time, in a very, very long time na kasama ko ang pamilya ko nang matagal,” sabi pa ni Dimples sa panayam.

Aniya, kung dati’y sa mga maiikling bakasyon lang niya nagagampanan ang pagiging ina, mas nabigyan niya ngayon ng oras ito ngayong panahon ng lockdown.

“Sa pagkakataon na ito we are forced to stay home, be with our family and the biggest adjustment was hindi ko alam kung paano ko i-place ang sarili ko around e, alam mo it gives you different perspective in life , it gives you a different drive and sometimes it makes you understand what is happening.”

At kahit dumaan sa konting adjustment, masaya si Dimples na mas nakilala niya at nabigyan ng oras ang kaniyang mga anak.

“Si Callie she’s very creative, very smart she loves book like you, (Toni Gonzaga) she’s full of wisdom even at the very young age so every time I speak to you I feel like I’m speaking to Callie. Si Alonzo is more like me. He’s very expressive he’s out there.

Bukod sa kaniyang anak, mas naging makulay rin ang relasyon niya sa kaniyang mister na si Boyet na all out ang suporta sa kaniyang karera bilang isang artista.

“Alam mo ‘yung asawa ko walang ka showbiz-showbiz sa katawan, hindi siya ganun e’, as much as want na ipilit na ‘uy magselos ka doon’ wala talaga.... Kasi sobrang secured ni Boyet. Ikaw ba naman, ‘yung asawa mo halos hindi na umuuwi ng bahay pero okay pa din siya, kasi nga, ineexert ko rin ng effort ‘yung asawa ko na walang pagkakataon na hindi siya ang iniisip ko,” pahayag ni Dimples.