• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane de Leon humataw sa pagsayaw ng ‘How You Like That’ ng BlackPink

Jane de Leon humataw sa pagsayaw ng ‘How You Like That’ ng BlackPink

Nag-mistulang music video ang dance cover ni Jane de Leon ng kantang ‘How You Like That’ ng BlackPink.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/1/2020 3:30 PM
Jane de Leon humataw sa pagsayaw ng ‘How You Like That’ ng BlackPink


Screenshot from Jane de Leon YT Channel

Humataw sa pagsayaw ng “How You Like That” ng sikat na K-Pop group na BlackPink ang aktres na si Jane de Leon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Just a girl growing wings.

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

Ayon sa bida ng pelikulang Darna, ang konsepto sa likod ng kanyang proyekto ay upang ipakita ang isang bersyon na hango sa orihinal na music video ng nasabing kanta. 

READ: Jane de Leon talks showbiz and becoming Darna

Saad ni Jane: “This is my own version of ‘HYLT.’  Our concept was to approach this project not only as a dance cover but more so as a music video. Thank you to the awesome team who made this vision possible!

READ: BlackPink smashes records with "How You Like That"

Samantala, marami naman ang bumilib dahil nag-mistulang music video ang kanyang awitin. Panoorin ang kanyang dance cover sa ibaba: 

Unang nakilala si Jane noong 2016 bilang isa sa mga miyembro dance group ng It’s Showtime na GirlTrends.  

Lumabas din noon si Jane sa iba’t-ibang programa ng Kapamilya network gaya ng mga teleserye na La Luna Sangre at Halik.

Taong 2019, nasungkit ni Jane ang leading role ng pelikulang Darna matapos parehas na magdesisyon nina Angel Locsin at Liza Soberano na umatras sa nasabing role matapos magtamo ng kanya-kanyang pisikal na pinsala.

READ: Introducing our new Darna, Jane de Leon

Hanggang ngayon, wala pa ring petsa kung kailan ipapalabas ang nasabing pelikula.