• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaani daw ngayon ng positibong comments ang ‘Chasing Sunsets’ mula sa ibang bansa.

First ever Pinoy Girl Love (GL) series ‘Chasing Sunset’ mapapanood na

Umaani daw ngayon ng positibong comments ang ‘Chasing Sunsets’ mula sa ibang bansa.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/09/2020 03:24 PM
First ever Pinoy Girl Love (GL) series ‘Chasing Sunset’ mapapanood na

Ang Chasing Sunsets ng Camp Avenue Studios ay umaani ng positibong komento at pagkilala sa loob at mga karatig bansa tulad ng Myanmar, Thailand, at Indonesia dahil sa pagtalakay nito sa mga sensitibong isyu na ating kinakaharap ngayon. Bukod pa rito, isa ito sa mga pinaka-unang girl love digital series dito sa bansa.

Inilabas ang trailer ng Chasing Sunsets noong June 5, 2020 sa Facebook page ng Camp Avenue na umani ng halos 100K views. Ito ay idinirek ni Renz-Bhil Tugelida at isinulat ni Stephanie-Rose Quiros.

Ang Chasing Sunsets ay isang Girl Love (GL) series na pinagbibidahan nina Aura Dominique bilang Lara Bautista at Donna Erno bilang Farrah Domingo. Kasama din nila sina Kevin Patacsil bilang Dominic Fernandez, Rose Ann Pascua bilang Cheche Bartome at Marky Hora bilang King Alonzo.


May mga makakasama din silang ibang cast na mag-cacameo bawat episode.

Napili na talakayin ni Direk Renz-Bhil Tugelida ang lesbian at bisexual woman love story dahil naniniwala siyang sa kasagsagan ng init ng mga Boy Love series ngayon, kailangan din ng representasyon ang mga iba pang klase sa LGBTQ na komunidad.

Sabi ni Direk Renz, “Ito ang kauna-unahang proyekto ng Camp Avenue Studios na serye at gusto namin na para sa aming unang proyekto, kailangang may ipahatid na mesahe lalo na ito ay mapapanood sa selebrasyon para sa Pride Month.”

Dagdag pa niya, ang nag-udyok sa kanya na gumawa ng ganitong serye ay dahil gusto niyang bigyan din ng boses ang mga lesbians at bisexuals at bigyang pansin rin ang iba pang kasali sa third gender.

Naging inspirasyon niya ang serye ni Ryan Murphy na Pose na nagbigay ng liwanag sa karanasan ng mga transwoman noong 1980s.

Isang karangalan din para sa direktor  na maraming sumusuporta hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba pang bansa.

Mapapanood ang Chasing Sunsets sa Camp Avenue Studios YouTube Channel.