• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa ang libo libong empleyado ng Kapamilya network na mabigyan pa ng pagkakataon ang ABS-CBN.

Empleyado at mga bituin, tumulak sa kongreso para sa ABS-CBN

Umaasa ang libo libong empleyado ng Kapamilya network na mabigyan pa ng pagkakataon ang ABS-CBN.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/09/2020 04:39 PM
Empleyado at mga bituin, tumulak sa kongreso para sa ABS-CBN

“Yes to ABS-CBN franchise!”

Ito ang sigaw ng mga empleyado at ilang bituin ng ABS-CBN na sama samang tumulak sa “Caravan to Congress” para idulog ang hangarin na mabigyan ng prangkisa ang TV network.

Huwebes ng umaga July 9, tumulak sa House of Representative ang mga empleyado ng Kapamilya network para iparating sa mga mambabatas na bigyan pa sana ng pagkakataon ang ABS-CBN at i-renew ang prankisa.


 

 

 

 

Kabilang sa mga sumama ang Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, na nagbigay suporta para sa kanilang mga kasamahan sa “Magandang Buhay” na isa ngayon sa nanganganib na tuluyan nang mamalaam sa ere kasunod ng pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN.

Sa Instagram post ng “Magandang Buhay” host na si Karla sinabi nito, “PARA SA LAHAT NG AMING MGA KA MOMSHIES MGA KA POPSHIES AT MGA KA ANAKSHIES!!!” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

PARA SA LAHAT NG AMING MGA KA MOMSHIES MGA KA POPSHIES AT MGA KA ANAKSHIES!!! #WeActAsOne #yestoabscbnfranchise

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

Kalakip ang parehong video at retrato, nagpahayag din ng suporta si Jolina para sa mga kasamahan.

 

 

“We are all in this together,” caption ni Jolina na may heart emoji kulay ng pula, berde at asul, na sumisimbolo sa kulay ng ABS-CBN.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

"Paano na ang aming Magandang Buhay?" #VoteYesToABSCBN #IbalikAngABSCBN #KapamilyaForever ❤️💚💙

A post shared by Froilan Santos (@froilanjohn16) on

 

Paki-usap rin ang naging hiling ni Melai Cantiveros sa kanyang post: “Sa ating mga Congressman kami po humihingi ng inyung suporta pls vote Yes po alang alang sa napakaraming kapakanan ng bawat kapamilya." 

 

 

Sa ngayon,bukod sa mga empleyado, umaasa rin ang mga taga subaybay ng ABS-CBN na pagbibigyan ng kongreso ang Kapamilya network na maipagpatuloy nito ang serbisyo publiko at mga palabas para sa mga Pilipino.