• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi rin ni Loisa Andalio ang tila sikreto niya sa naging pangarap noon na maging isang artista.

Loisa Andalio, nagbalik tanaw sa pag-abot sa pangarap

Ibinahagi rin ni Loisa Andalio ang tila sikreto niya sa naging pangarap noon na maging isang artista.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/07/2020 05:19 PM
Loisa Andalio, nagbalik tanaw sa pag-abot sa pangarap

Hindi napigilan na maging emosyonal ng Kapamilya star na si Loisa Andalio nang balikan niya ang pinagdaanan sa pag-abot niya sa kanyang pangarap bilang isang artista.

Sa naganap na episode ng I Feel U, hindi naiwasan na tumulo ang mga luha ni Loisa na aminadong miss na miss na ang mag-trabaho.

“Naaalala ko dati, ate, noong bata ako, ‘pag may gusto ka talaga at naniniwala ka na magiging ikaw ‘yun, mapupuntahan mo,” tugon ni Loisa sa panayam ng I Feel U host na si Toni Gonzaga.


Aniya, dahil sa hilig niya na manood ng mga teleserye, nagsimulang mangarap si Loisa na maging isang artista.

 

 

“Yung parang may goal ka. Noong bata kasi ako mahilig kasi ako manood ng mga teleserye, marami akong iniidolo kasama kana doon ate [Toni Gonzaga] na parang sabi ko noong bata ako na parang gusto ko din maging ganyan (artista) so parang gawin mo ang best, magta-tiyaga ka, and mararating mo,” ani Kapamilya star.

Kasabay ng kaniyang panalangin ang hangarin na matulungan ang pamilya na maiahon sa kahirapan na buong puso rin ang suporta sa kaniyang pangarap.

 

 

“Kasi yung family ko talaga gusto ko talaga maging artista gusto kong umarte, gusto kong sumayaw, gusto kong kumanta. Tapos nanonood ako sobrang na-inspire ako sa mga pinapanood ko, tapos nagpi-pray ako naalala ko na may kumakanta umiiyak ako na sabi ko, ‘Lord gusto ko din pong ganun,’” aniya.

Lalong bumuhos ang luha ng Kapamilya star nang pag-usapan ang kanyang pamilya na isa sa dahilan ng kanyang pag-abot sa kanyang pangarap.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 2019 mula sa aming simpleng pamilya! ❤️

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

“Na realize ko na kung gaano kami ka suwerte ngayon ng family namin, kung paano ko sila natulungan rin, kung paano ‘yung buhay namin dati, kung paano kami ka-komportable din ngayon, parang bibigay sakin ni Lord ‘yung hinihiling ko lang noong bata ako,” emosyonal na kuwento ni Loisa.

Dahil sa kanyang dedikasyon at matibay na dasal, patunay rin si Loisa hindi imposible ang lahat sa pagkapit niya sa dasal.

“Ang galing kasi kumbaga, isa akong testigo na totoo ang prayers, ‘yung mga ganun na binibigay talaga wait ka lang, relax ka lang gawin mo ang part mo, gagawin rin ni Lord ang part Niya,” pahayag pa ni Loisa.

Taong 2014 nang nagsimulang makilala si Loisa Andalio bilang housemate ng Pinoy Big Brother na napanood sa ABS-CBN.