Sa pagpapatuloy ng franchise hearing ng kongreso para sa ABS-CBN, isa ang Kapamilya anchor na si Julius Babao sa mga hindi napigilan na mag abas ng kaniyang saloobin sa social media kasunod ng mga akusasyon ng mga mambabatas laban sa “bias” umano na pagbabalita ng Kapamilya network.
“Gusto ko lang linawin sa mga kabataan na ang mga journalist ay hindi PR practitioners. Trabaho naming maging patas sa pagbabalita pero hindi namin obligasyong magpaligaya ng taong ibinabalita namin,” post ni Julius sa Twitter.
Gusto ko lang linawin sa mga kabataan na ang mga journalist ay hindi PR practioners. Trabaho naming maging patas sa pagbabalita pero hindi namin obligasyong magpaligaya ng taong ibinabalita namin.
— julius babao (@juLiusbabao) July 6, 2020
Bilang isa sa maituturing na beteranong mamamahayag ng Kapamilya network, naniniwala rin si Julius na naging patas ang pagbabalita ng ABS-CBN sa paglalahad ng mga impormasyon para sa mga Pilipino.
Kaya naman, hindi rin katanggap-tanggap ang posibleng kahinatnan ng mga empleyado ng ABS-CBN kung hindi mabibigyan ng prangkisa ang network.
“Lahat ng mga issues na lumalabas laban sa ABS-CBN ay pwedeng solusyunan ng mga bagong patakaran at pag-uusap pero ang pagkawala ng hanapbuhay ng 11,000 na manggagawa sa panahon ng pandemya ay hindi talaga katanggap-tanggap,” ayon sa Twitter post ni Julius.
Lahat ng mga issues na lumalabas laban sa ABS-CBN ay pwedeng solusyunan ng mga bagong patakaran at pag-uusap pero ang pagkawala ng hanapbuhay ng 11,000 na manggagawa sa panahon ng pandemya ay hindi talaga katanggap-tanggap. ❤️💚💙
— julius babao (@juLiusbabao) July 6, 2020
Aniya pa, nararapat din na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN para sa mga ordinaryong Pilipino.
“There are more than enough reasons for Congress to grant ABS-CBN its franchise. Most of us outside Congress know it. The rest just wants to believe in an alternate reality,” sabi pa ni Julius sa post.
There are more than enough reasons for Congress to grant ABS-CBN it’s franchise. Most of us outside Congress know it. The rest just wants to believe in an alternate reality.
— julius babao (@juLiusbabao) July 6, 2020
Sa isa sa mga Twitter posts ng Kapamilya anchor, nagbigay mensahe rin ito sa mga taong tila nangangarap na mawalan ng trabaho ang 11,000 na empleyado ng network.
“Inuulit ko ang mga nag-aasam at nangangarap na mawalan ng trabaho ang 11,000 na manggagawa ngayong panahon ng pandemya ay mga kampon ng kadiliman,” pahayag ni Julius sa post.
Inuulit ko ang mga nag-aasam at nangangarap na mawalan ng trabaho ang 11,000 na manggagawa ngayong panahon ng pandemya ay mga kampon ng kadiliman.
— julius babao (@juLiusbabao) July 6, 2020
Isa lang si Julius sa 11,000 empleyado ng network na labis na naapektuhan sa pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN sa ere matapos ihain ang dalawang cease and desist order ng National Telecommunications Commission sa Kapamilya network.