• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay ng payo sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa mga kabataan na tila nagmamadali sa kanilang relasyon.

Loisa Andalio at Ronnie Alonte, magka-live in na nga ba?

Nagbigay ng payo sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa mga kabataan na tila nagmamadali sa kanilang relasyon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/06/2020 11:02 AM
Loisa Andalio at Ronnie Alonte, magka-live in na nga ba?
Photo credit: @iamandalioloisa IG

Binigyang linaw ng real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang mainit na issue ngayon na magkasama umano na sila sa iisang bubong nitong panahon ng lockdown.

Sa naganap na episode ng I Feel U, isa sa naitanong ng host na si Toni Gonzaga kung totoo ba ang live in issue na ito kina Loisa at Ronnie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

buhay probinsya 🍃🌞


A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

“Hindi po,” bungad ni Loisa.

“Ganun lang namin kamahal ang isa’t isa, lagi kaming magkasama kaya akala nila mag-live in na kami kasi lagi kaming magkasama,” tugon ng Kapamilya star.

Aniya, sadyang magkalapit lang ang kanilang lugar ni Ronnie kaya madali silang nagkikita sa tuwing namimiss nila ang isa’t isa.

“Kasi kami ni Ronnie parang magkapitbahay lang kami, Laguna and Cavite. Kumbaga isang exit lang. Parang 30 minutes away lang po yung bahay namin,” ani Loisa.

Dahil usapang live in na, hindi rin maiaalis kina Loisa at Ronnie ang pag-usapan rin usapin ng kasal.

“Lagi naman. Lagi ko naman sinasabi sa kanya na nararamdaman ko iyon. Alam naman niya yun. Siyempre kami, alam naman naming madami pang pagsubok ang pagdadaanan. Hindi pa ganun kahaba ang relasyon namin pero alam naman po namin sa isa’t isa na kaya,” tugon ni Ronnie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🏡

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte) on

Hindi pa man ngayon, alam umano ni Ronnie na mararating nilang dalawa ng girlfriend ang magsama sa isang tahanan at sabay na buuin ang kanilang pangarap.

“Lagi ko po sa kanyang pinapaalala araw-araw, pagdating ng araw, magkasama na kami sa isang bahay, magpapakasal kami. Excited na ako sa pwedeng mangyari soon sa aming dalawa,” ani Ronnie.

Sa huli, nagbigay payo rin si Loisa sa mga kabataan na tulad nila in a relationship.

“Relax lang kayo, darating kayo sa time na yan. Enjoyin niyo lang yan, bata pa kayo, darating kayo dyan, pagtanda niyo baka kayo naman ang umayaw. Kaya wag sila magpadalos-dalos sa desisyon nila sa buhay nila,” sabi pa ni Loisa.

Tulad ni Loisa, nagbigay payo rin si Ronnie na sinabi pa ang tila susi sa sikreto ng relasyon.

“Maging parehas lang, respetuhin yung desisyon ng isa’t isa kung sakali na magkakaroon kayo ng (karelasyon). Pero ‘wag niyo madaliin, kasi darating rin yan sa inyo, and huwag muna hugot hugot sa mga Facebook iwas muna sa social media kasi isa po yan sa mga medyo toxic sa atin e, nape-pressure po tayo e na hindi naman dapat,” pahayag pa ng Kapamilya star.

December ng 2018 nang kumpirmahin ni Loisa at Ronnie ang kanilang relasyon.