• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging biktima ng fake news si Ai-Ai Delas Alas pagkatapos kumalat ang balita na pumanaw na daw siya.

Ai-Ai Delas Alas, ‘pinatay’ ng fake news

Naging biktima ng fake news si Ai-Ai Delas Alas pagkatapos kumalat ang balita na pumanaw na daw siya.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/06/2020 08:17 AM
Ai-Ai Delas Alas, ‘pinatay’ ng fake news
Photo Credit: @msaiaidelasalas Instagram

Idinaan na lang sa biro ni comedy queen Ai-Ai Delas Alas ang kumakalat ngayong fake news na nagsasabing pumanaw na umano siya matapos pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan.

Sa Instagram post ni Ai-Ai, ipinakita niyang buhay na buhay pa siya matapos lumabas ang fake news.

 


 

“Ito po ay fake news,” paglilinaw ni Ai-Ai.

“AKO AY BUHAY. May kasabihan pag namamatay ka daw sa balita or pag nanaginip kang patay kana long life lalo,” caption pa ng komedyana sa post.

Sa huli, imbis na magalit, pinagtawanan nalang ito ng komedyana.

“Buti nalang maganda ko sa picture kung hindi magagalit ako haha,” pahayag niya sa post.