• Home
  • Fresh Scoops
  • First time na idinaos ang Miss Earth Philippines via an online pageant.

Baguio beauty, named Miss Philippines Earth 2020

First time na idinaos ang Miss Earth Philippines via an online pageant.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/05/2020 12:37 PM
Baguio beauty, named Miss Philippines Earth 2020
Photo credit: @roxieebae

Sa unang pagkakataon sa larangan ng beauty pageant, naglaban laban ang aspiring Miss Philippines Earth sa pamamagitan ng isang virtual pageant.

Sa katatapos lang na virtual pageant nitong Linggo, July 5, kinilala si Roxie Baeyens ng Baguio City na kakatawan ng Pilipinas sa 2020 Miss Earth pageant.

Si Roxie ay 22 years old at mula sa Baguio City. Isa siya sa sa mga favorites ng pageant fans simula nang umarangkada ang tagisan ng Pinay beauties sa kompetisyon.


Samantala, itinanghal naman bilang Miss Earth Philippines Air si Patrixia Santos ng Daraga Albay, Miss Philippines Fire si Shane Tormes ng Atimonan Quezon, Miss Philippines Water si Gianna Llanes ng Mandaluyong City at Miss Philippines Earth EcoTourism si Llysa Marie Mendoza ng Melbourne, Australia.

Sa kabila ng COVID-19 pandemic, looking forward na ang pageant fans para sa Miss Earth 2020 kung saan lalaban si Roxie para sungkitin ang pang-limang korona para sa Pilipinas.