• Home
  • Fresh Scoops
  • Kompirmado ang bagong karakter na makakagulo sa relasyon nina Cardo Dalisay at asawang si Alyana.

Richard Gutierrez, bagong karakter na mapapanood sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Kompirmado ang bagong karakter na makakagulo sa relasyon nina Cardo Dalisay at asawang si Alyana.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/04/2020 07:08 PM
Richard Gutierrez, bagong karakter na mapapanood sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
Photo credit to @dreamscapeph on Instagram

Sa muling pagbabalik ni Cardo Dalisay sa serbisyo sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, isang bagong karakter ang ipapakilala na makakasalamuha nina Cardo Dalisay at asawang si Alyana.

READ: Coco Martin, nag-ocular na para sa pagbabalik ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Sa Instagram post ng Dreamscape Entertainment, kinumpirma nito na makakasama na nina Coco Martin at Yassi Pressman si Richard Gutierrez sa show. 


 

 

 

Mainit rin na inaabangan ngayon ng “Ang Probinsyano” fans kung paano ang magiging takbo ng ikot ng kuwento ngayong humaharap sa 'new normal' ang set ng mga shows at pelikula bilang pag-iingat sa sakit na COVID-19.

Limitado man ngayon ang nakakapanood ng “Ang Probinsyano,” umaasa ang buong cast at production crew ng programa na muli silang mapapanood ng mga kababayan natin na labis ang pagka-miss kay Coco.

Sa ngayon, napapanood sa Kapamilya Channel ang replay ng “Ang Probinsyano” sa Channel.