• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni John Manalo ang kanyang naging karanasan sa nasabing insidente sa social media.

Aktor na si John Manalo, tinutukan ng baril ng isang holdaper

Ibinahagi ni John Manalo ang kanyang naging karanasan sa nasabing insidente sa social media.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/04/2020 02:48 PM
Aktor na si John Manalo, tinutukan ng baril ng isang holdaper
Photo credit: @manalojohn IG

Ibinahagi sa social media ng dating child star na si John Manalo ang kanyang naging karanasan matapos tutukan ng baril ng isang holdaper habang bumibili ng pagkain nitong Biyernes, Hulyo 3. 

Ayon kay John, una raw munang itinutok ng holdaper ang baril sa nagbebenta ng manok bago sa kanya.

Bumibili ako ng Baliwag sa Concepcion tapos biglang na hold up yung store. Tinutukan ng baril yung nagtatadtad ng liempo at manok ko. Natutukan din ako. Sobrang bilis ng pangyayari. Di ko alam rereact ko nung una. Nahihiya lang ako kasi nakita sigurong tumatakbo ako sa CCTV,” saad ni John. 


Ibinahagi naman ni John sa kanyang fans ang kanyang naging karasanan at ikinuwento ang kanyang naramdaman ng oras na yun. 

Ani John: “Ganon pala feeling pag narinig mo ‘yung kasa ng baril. Sobrang kalmado lang nung holdaper.”

Sinigurado naman ni John na walang nasawi sa nangyaring holdap dahil agad umanong rumesponde ang mga rumo-rondang awtoridad sa nasabing lugar. 

“Guys, sa mga nag tatanong safe naman kaming lahat. May mga rumespondeng mga authorities agad. Walang nasaktan,” saad niya. 

Pabirong dagdag pa niya: “Hassle lang kasi sobrang nag-crave talaga ako sa baliwag lechon at chicken.”

Unang sumikat si John bilang miyembro ng long-running Kapamilya kiddie gag show na “Goin’ Bulilit.”

Mas nakilala ang kanyang husay sa pag-arte nang lumabas siya sa iba’t-ibang episodes ng “Maalaala Mo Kaya.”