TV project ni Kris Aquino tuloy na ulit

Balik TV na si Kris Aquino.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/31/2020 11:24 AM
TV project ni Kris Aquino tuloy na ulit
Photo Credit: @krisaquino Instagram

Mula sa source ng PUSH ay natunugan naming tuloy na ulit ang TV show ni Kris Aquino titled Love Life With Kris sa isang TV network.

In fact, nagpromo shoot na nga ang Queen of All Media na ikinagulat ng maraming empleyado ng network. Winelcome na rin siya sa studio ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo.

Matatandaan na pagkatapos ng bonggang announcement ni Kris noon na she’s coming back ay bigla itong naudlot. Nalungkot ang supporters ni Kris dahil lumabas ang balitang ito pagkatapos ng kanyang photo shoot at supposedly first taping day for the show.


Sa post ni Kris noon ay maluwag sa puso niyang tinanggap ang nangyari na naging dahilan pa nga para mag-deactivate siya ng kanyang social media account. Ayon pa sa kanya, kaya na siya nag-post ng kung anu-ano ay dahil ayaw na niyang makadagdag pa dinaranas na  problema ng bansa.

Ang itinuturong dahilan noon ng balitang shelve na TV show ni Kris ay ang hindi pagkakaunawaan ng TV network at ng producer ng show ni Kris. Hindi kasi ito station-produced kundi blocktimer.

Habang nagkakaroon ng negotiation ang TV network at ang producer ni Kris ay wala namang ibinibigay na pahayag ang management team ni Kris na Cornerstone.

Samantala, matinding pag-iingat ang ginawa ni Kris during the promo shoot. Lahat ng production staff ay nakasuot ng PPE o personal protective equipment bilang pagtugon sa ipinatutupad na health protocols.

Si Kris naman ay naka-face mask at face shield na tinatanggal niya kapag kailangan na siyang kunan ng camera.