• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagmalaki ng singer na si Angeline Quinto ang mga cosmetic procedure na kaniyang pinagdaanan.

‘Proud Retokada’ Angeline Quinto, inisa-isa ang pinagdaanang retoke

Ipinagmalaki ng singer na si Angeline Quinto ang mga cosmetic procedure na kaniyang pinagdaanan.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2020 02:26 PM
‘Proud Retokada’ Angeline Quinto, inisa-isa ang pinagdaanang retoke
Photo Credit: @loveangelinequinto Instagram

Sa isang random social media post ng singer na si Angeline Quinto, inisa-isa niya ang ilan sa mga cosmetic surgery na kaniyang pinagdaanan para ma-achieve ang kagandahan na inaasam.

Sa post ni Ange sa Instagram, proud niyang isiniwalat ang mga procedure na pinagawa kabilang na ang Eyelid surgery, Arm liposuction, Belly liposuction, Thermage, Glutathione at iba pa.

 


 

Matatandaan noon na mainit pinag-usapan ang plano ng singer na pagpapatangos ng ilong na umani ng iba’t ibang batikos.

Pero sa post na ito ng singer sinabi niya na hindi pa rin umano ito natutuloy.

“Nose surgery X. Hindi q po ginawa yan pero nagpa consult po aq noon hindi q po tinuloy,” bahagi ng post ni Angeline.

Sa huling post ni Angeline, sinabi niyang “Proud Retokada Here” na may heart emoji.

READ: Dahil sa bigat ng dinadala, Angeline Quinto aminadong nagpabawas ng dibdib

Isa rin ito sa kampanya marahil ni Angeline na tigilan ang hate comments sa mga tulad niyang showbiz personality na dumaraan sa iba’t ibang cosmetic procedures.