• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nagustuhan ng iba’t ibang LGBTQI group ang tila pangagagamit umano ni Xander Ford sa LGBT sa paglaladlad ng kaniyang sexualidad.

‘Ginamit mo lang ang pagiging Bisexual,’ LGBT groups, nagpatutsada kay Xander Ford

Hindi nagustuhan ng iba’t ibang LGBTQI group ang tila pangagagamit umano ni Xander Ford sa LGBT sa paglaladlad ng kaniyang sexualidad.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/31/2020 03:16 PM
‘Ginamit mo lang ang pagiging Bisexual,’ LGBT groups, nagpatutsada kay Xander Ford

Pinang gigigilan ngayon ng netizens ang mga bagong pahayag ng social media sensation na si Marlou Arizala na mas kilala bilang Xander Ford tungkol sa kaniyang tunay na kasarian.

Kasunod ito ng kumakalat na Facebook post ni Xander na sinasabing: “Hindi na po ako part ng LGBTQ linawin ko lang” at “Goodbye Xandra, Welcome Xander Ford!!”


Dahil dito, inulan ngayon ng batikos sa social media si Xander at galit mula sa ilang miyembro ng LGBT community.

“We know. Ginamit mo lang ang pagiging ‘bi’ for publicity. Marlou is an awful human being before and after his surgery,” pahayag ng grupong Equality PH sa kanilang Facebook post.

Marami rin ang naniniwala na ito ay paraan lang umano ni Xander para takasan ang asunto na kinakaharap niya matapos ang paratang sa kaniya ng dating girlfriend ng pananakit at pananamantala.

READ: Xander Ford trends as ex-partner exposes alleged physical abuses

Matatandaan na kamakailan lang rin hot topic ang naging pag-amin ni Xander ng kanyang tunay na sexual preference at aminin na isang bahagi ng LGBTQI+ community.

READ: Xander Ford, iniladlad ang tunay na kasarian

Bukod sa aminan ng kaniyang sexualidad, inilantad rin ni Xander ang kaniya umanong inspirasyon sa pamamagitan ng isang vlog.

READ: After coming out as bisexual, Xander Ford introduces boyfriend

Dahil rin sa kaniyang naging mga aksyon at pagiging unprofessional, nanatiling suspendido si Xander Ford sa talent management na Star Image Artist na naghahandle rin ng kaniyang karera.