• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni Rommel Padilla ang kanyang payak na pamumuhay sa probinsiya.

Rommel Padilla, ipinasilip ang kanyang malawak na palayan

Ipinasilip ni Rommel Padilla ang kanyang payak na pamumuhay sa probinsiya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/30/2020 09:52 AM
Rommel Padilla, ipinasilip ang kanyang malawak na palayan
Photo Credit: @omengq Instagram

Sabi nga nila, ang magtanim ay di biro. Pero kung ikaw ay pursigido, tiyak ikaw ay panalong-panalo.

Ito ang pinatunayan ng aktor na si Rommel Padilla — ang ama ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla — na proud na ipinakita ang kanyang pinalagong mga panananim na matatagpuan sa kanyang malawak na palayan sa Nueva Ecija. 

Sa kanyang iba’t-ibang post sa Instagram, buong ipinagmalaki ni Rommel ang kanyang payak na pamumuhay sa kabukiran kasama ang kaniyang pamilya.


Ayon kay Rommel, layunin niya na palakasin ang ani ng bawat magsasaka kaya naman nakipag-ugnayan siya sa isang AgriTech na kumpanya upang mas mapalawig pa ang kanyang hangaring makatulong sa iba.

Saad ni Rommel sa kanyang mga caption: “Palay ay buhay. Dalangin ko po naway maging hitik sa bunga ang lahat ng aming ipinunla upang matustusan ang pangagailangan ng pamilya at ang ating pamayaman. Ang DIYOS ang siyang pinaka Dakila!”

 

 

 

 

 

 

Kilala si Rommel sa Nueva Ecija dahil sa naging pagsisilbi nito noon sa unang distrito ng Nueva Ecija bilang isang Kongresista.

Sinubukan muli niyang tumakbo sa nasabing posisyon noong nakaraang eleksiyong ngunit hindi pinalad na manalo. 

Napabilang si Rommel sa iba’t-ibang teleserye ng ABS-CBN gaya ng Ningning, Dolce Amore, The Better Half, at The Greatest Love.

Sa kasalukuyan, mapapanood si Rommel sa seryeng A Soldier’s Heart kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Dante Marasigan.

Ang A Soldier’s Heart ay mapapanood sa Kapamilya Channel na available sa SKY, Cablelink, G Sat, at iba pang cable operators na kabilang sa Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa.

Mapapanood din ito sa Kapamilya Online Live sa Facebook page ng ABS-CBN at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.