• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa si Vice na hindi mamamatay ang legacy ng stand up comedy kung saan siya nagsimula at unang gumawa ng pangalan.

Pananamlay ng comedy bars, ikinalungkot ni Vice Ganda

Umaasa si Vice na hindi mamamatay ang legacy ng stand up comedy kung saan siya nagsimula at unang gumawa ng pangalan.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/03/2020 05:38 PM
Pananamlay ng comedy bars, ikinalungkot ni Vice Ganda

Isa ang Kapamilya at It’s Showtime host na si Vice Ganda sa mga aminadong nalungkot sa pananamlay ng mga trabaho dahil sa epekto ng COVID-19.

Kasunod ito nang napaulat na pagsasara ng dalawa sa mga kilalang comedy bars ni Allan K na Klownz at Zirkoh dahil sa epekto ng pandemya at halos apat na buwan na ngayong quarantine protocols ng pamahalaaan.

READ: Zirkoh at Klownz nagsara na


Sa episode ng Kapamilya noontime show, naglabas ng saloobin si Vice kausap ang isang kalahok na nagta-trabaho sa isang comedy bar.

“Alam mo talaga nakakalungkot sa sitwasyon ngayon, walang choice ang mga comedy bar kung hindi magsara. 'Yung Zirkoh, 'yung Klownz nagsara na, 'yung Punchline at Laffline nagsara na. Ang daming komedyante ang nawaalan ng trabaho,” pahayag ni Vice.

“At saka 'yung legacy ng comedy bar, parang 'di ko ma-imagine na mawala na totally ang comedy bar sa lipunan," patuloy ni Vice na isa sa mga kilalang produkto ng comedy bars.

Bagaman sarado ang mga entablado ng comedy bars, nanatiling buhay ang pag-asa ni Vice na hindi matitigil ang pagbibigay saya ng mga stand up comedian sa pamamagitan ng bagong platform online.

“Mayroon silang mga nakokolekta na mga donation pero hinahati-hati nila 'yon para maitulong sa staff ng comedy bar, 'yung mga waiter, 'yung nasa valet, 'yung mga cook. Kasi 'yan, lahat 'yan ay wala na. Wala naman silang mga online show kaya yung mga bakla tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ang ibang staff.”

Matatandaan na sa unang mga buwan ng Enhanced Community Quarantine, isa ang industriya ng comedy bars sa mga labis na naapektuhan at umaaray na umaasa sa arawang trabaho sa mga bars.

RELATED NEWS: Epekto ng COVID-19 quarantine sa mga stand-up comedian, ibinahagi ni MC at Lassy

Bukod sa Klownz at Zirkoh, ilang entertainment shows na rin ang kinansela bilang pag-iingat sa COVID-19.