• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kina Nadine Lustre at Alden Richards, matagal na daw silang nagkatraho noong nag-uumpisa pa lang si Nadine sa showbiz.

Nadine Lustre at Alden Richards interesadong magsama sa pelikula

Ayon kina Nadine Lustre at Alden Richards, matagal na daw silang nagkatraho noong nag-uumpisa pa lang si Nadine sa showbiz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/29/2020 01:18 PM
Nadine Lustre at Alden Richards interesadong magsama sa pelikula
Photo Credit: @aldenrichards02 and @nadine Instagram

Parehong interesado sina Nadine Lustre at Alden Richards na magsama sa isang pelikula. Ito ang kanilang masayang pahayag sa ginanap na presscon para sa campaign ad ng isang brand ng canned tuna.

“Yes, yes, yes,” sambit ni Alden na halatang excited.

Reaksyon naman ni Nadine, “Yeah, that would be awesome!”


Kung matutuloy ay ito ang kauna-unahang project ni Nadine kasama ang non-Kapamilya actor. Pero sa part ni Alden, second time na niya ito with a Kapamilya star. His first time was with Kathryn Bernardo sa blockbuster film na Hello, Love, Goodbye na idinirek ni Cathry Garcia-Molina.

Kumusta naman kaya ang karanasan nila working in an ad campaign?

Sagot ni Nadine, “Nagkita lang kami kasi ni Alden, sa photoshoot lang. Pero after noon, hindi na. But people didn’t notice that Alden and I have worked a long time ago.”

Na sinang-ayunan naman ni Alden nang sabihing, “Yeah, sa isang clothing line.”

“Oo, sa isang clothing line. Pero super tagal na. But yeah super saglit lang namin nagkita, sa photoshoot lang. But you know, I’m really hoping na we could catch up,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa aktor, masarap katrabaho si Nadine.

“Like what Nadine said, nagkatrabaho kami sa isang clothing line before and during the early stages of Nadine’s career. So nagkikita kami doon during Sunday shoots namin.

“Magaan siyang katrabaho and wala kaming hardships ni Nadine during the shoot. I’m really happy din kasi that’s what I looked for sa mga co-worker ko or sa mga nakaksama ko sa trabaho, ’yung magaan katrabaho,” pahayag ni Alden.