• Home
  • Fresh Scoops
  • The local Miss Supranational franchise used to be with Binibining Pilipinas.

Miss World Philippines Organization acquires Miss Supranational franchise

The local Miss Supranational franchise used to be with Binibining Pilipinas.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/29/2020 05:14 PM
Miss World Philippines Organization acquires Miss Supranational franchise

Isang malaking pagbabago muli ang dapat abangan ng Pinoy pageant fans sa mga susunod na taon. Kasunod ito ng paglipat ng local franchise ng Miss Supranational pageant sa Miss World Philippines Organization.

Sa pamamagitan ng Facebook nitong July 28, pormal na inanusyo ng pamunuan ng Miss World Philippines Organization na sila na ang hahawak ng franchise ng Supranational sa mga susunod na edisyon.

“The Miss World Philippines (MWP) organization proudly announces its acquisition of the Miss Supranational title. This latest addition makes the Miss Supranational one of the biggest and coveted titles in the Miss World Philippines organization,” pahayag sa post.


Ang Miss World Philippines Organization rin ang may hawak ng mga pageant franchise tulad ng Reina Hispanoamericana, Miss Eco International, Miss Eco Teen International, Miss Multinational, Miss Philippines Tourism, at ang Miss World Philippines.

Ang Miss Supranational ay dating nasa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated kung saan kinoronahan ang unang Pinay Supranational na si Mutya Datul noong 2013 sa Belarus.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang BPCI sa pagalis ng franchise ng Supranational sa kanilang pamamamahala.