• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang netizen ang nakakita kay John Regala na nakaupo sa isang sulok at nakakaramdam ng panghihilo.

TINGNAN: John Regala, nakuhanang humihingi nang tulong sa mga lansangan ng Pasay

Isang netizen ang nakakita kay John Regala na nakaupo sa isang sulok at nakakaramdam ng panghihilo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/28/2020 06:28 PM
TINGNAN: John Regala, nakuhanang humihingi nang tulong sa mga lansangan ng Pasay

Viral ngayon ang mga litrato ng dating aktor na si John Regala kung saan nakuhanan siyang mag-isa at humihingi ng tulong sa mga taong dumadaan sa mga lansangan ng Pasay.

Ayon sa netizen na kumuha ng mga nasabing litrato na si Carl Nathan, nahihilo raw ang dating aktor ng matagpuan niyo itong nakaupo sa isang sulok sa tapat ng isang pizzeria.

Bagama’t alam niyang naghahanap ng nurse si John, hindi raw niya lubusang maitindihan ang sinasabi nito dahil nag-uutal utal ang kanyang pagsasalita.


“Siya po si Mr. John Regala. Ang sikat na kontrabida [na] humingi nang tulong po kase nahihilo siya. May hinahanap siya na nurse. Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken,” saad ni Carl.

Agad naman daw rumesponde ang mga tanod at opisyal ng Barangay 183 sa Pasay nang humingi si Carl ng tulong sa kanila.

“Agad naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang Brgy. 183 Pasay City tapat nang Lots a Pizza. Masakit lang isipin na ang dating idolong kontrabida ay nasa ganyang kondisyon,” ani Carl.

Pagpapatuloy pa ni Carl na nagtatrabaho bilang rider sa branch ng isang sikat na fast food chain sa Pasay, minabuti niya munang manatili para samahan si John habang hinihintay ang mga health workers.

“Kaya mas minabuti ko munang hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako'y may deliver pa. Maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong,” saad niya.

Nitong Marso lang, nakapanayam ng entertainment reporter na si Aster Amoyo si John upang manawagan na mabigyan muli ng pagkakataon na makabalik sa showbiz.

Taong 2017 nag-viral ang litrato ni John na nakahilata sa labas ng isang supermarket. Kinumpirma ni John na siya ang taong nasa litrato ngunit pinabulaanan niya ang usap-usapan na na-stroke siya o na-heart attack.

John Regala reportedly suffered a heart attack in public

Pinanganak bilang John Paul Guido-Boucher Scherrer, kilala si John bilang epektibong kontrabida sa pelikula at telebisyon.