• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nagustuhan ng ilang miyembro ng LGBTQI+ community ang paglaladlad ni Xander Ford.

‘Gaydar’ ng mga beki, hindi gumagana kay Xander Ford?

Hindi nagustuhan ng ilang miyembro ng LGBTQI+ community ang paglaladlad ni Xander Ford.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/28/2020 03:51 PM
‘Gaydar’ ng mga beki, hindi gumagana kay Xander Ford?
Photo Credit: @z4nder.official Instagram

Mainit na pinag-usapan sa social media ang naging pag-amin ng ng online sensation na si Marlou Arizala na mas kilala bilang Xander Ford tungkol sa kaniyang tunay na kasarian.

READ: Xander Ford, iniladlad ang tunay na kasarian

Kasunod nang pag-amin ni Xander ang pagpapakilala naman niya ng umano’y sa kanyang special someone na inspirasyon naman niya ngayon.


READ: After coming out as bisexual, Xander Ford introduces boyfriend

Dahil sa mga rebelasyon ni Xander, iba’t ibang komento sa social media ang naging reaksyon ng netizen at kamihan ay sinasabing gimik lang umano ito at hindi din daw totoo ang kaniyang pagladlad bilang bahagi ng LGBTQI+ community.

At ilan sa mga nag-react ay sinasabing hindi umano gumana ang kanilang “gaydar” sa paglaladlad ni Xander.

“Since this person came out or as he mentioned ‘sumali sa LGBT’ I watched his videos as I didn’t want to invalidate his sexuality. But haven’t you heard of what we call GAYDAR? You’re not bisexual, nor gay, not even part of the LGBT. Stop this gimmick and stop using our community!” pahayag ng isang netizen

 

 

Naniniwala rin ang ibang netizen na mali at tila pang iinsulto sa LGBTQI+ community ang gimmick umano na ito ni Xander.

“The first time he confessed, I know it’s just for the sake of being talked about and to trend in socmed. I don’t know but I somehow felt insulted din na parang ganun ganun lang ang take niya sa atin. I know he’s going through tough times too, pero mali ito,” saad ng netizen.

 

 

“I feel you, kuya Steven. He is using the LGBT. I can’t sense him with my GAYDAR! Even the most discreet once I could tell but he isn't... He don't deserve platform!” pahayag pa ng isang netizen.

 

 

Marami rin ang naniniwala na tila paraan ito ni Xander para gawin umanong lusot sa kinaharap nitong asunto sa dating girlfriend nito na inakusahan umano siya ng pang-aabuso.

READ: Xander Ford trends as ex-partner exposes alleged physical abuses

Suspendido rin umano ang kontrata ni Xander sa management team nito na Star Image Artist na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya kasunod nang “unprofessionalism” umano ng social media senstation.

RELATED NEWS: Marlou Arizala suspended; management takes back 'Xander Ford' name

Samantala, nagpadala naman ng mensahe ang PUSH kay Xander para dipensahan ang kaniyang sarili ngunit hindi pa rin ito sumasagot sa ating hiling na salita mula sa kaniya.