• Home
  • Fresh Scoops
  • Lumapit si Alex Gonzaga sa mag-asawang sina Dr. Willie at Lisa Ong upang linawin ang mga haka-haka na may patungkol sa usaping medikal.

PANOORIN: Alex Gonzaga, nakaharap ang mag-asawang sina Dr. Willie at Lisa Ong

Lumapit si Alex Gonzaga sa mag-asawang sina Dr. Willie at Lisa Ong upang linawin ang mga haka-haka na may patungkol sa usaping medikal.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/28/2020 03:38 PM
PANOORIN: Alex Gonzaga, nakaharap ang mag-asawang sina Dr. Willie at Lisa Ong

Nakaharap ni Alex Gonzaga sa unang pagkakataon ang mag-asawang doktor at YouTubers na sina Dr. Willie at Lisa Ong upang bigyang linaw ang mga haka-haka na may patungkol sa usaping medikal. 

Ilan sa mga katanungan ni Alex ay kung totoo ba na kapag naligo na basa ang buhok ay lalabo ang mata; kung panggamot nga ba sa hika ang pagkain ng butiki; kung nakakagaling nga ba ng pimples ang unang regla, at kung nakakatanggal nga ba ng pasma kapag inihiian ang kamay. 

Panoorin ang kanyang vlog na kinuhanan sa mismong museum na pag-aari ng mag-asawa sa ibaba: 


Mayroong 4.16 million subscribers si Dr. Willie Ong sa kanyang YouTube channel kung saan nakakasama niya rin ang kanyang maybahay na si Dra. Lisa upang magbigay ng makabuluhang impormasyon na may patungkol sa mga usaping medikal. 

Matatandaang mas nakilala si Dr. Willie Ong taong 2019 nang tumakbo siya bilang Senador noong nakaraang eleksiyon. Bagama’t hindi pinalad na manalo, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng payong medikal sa mga netizens gamit ang kanyang plataporma sa YouTube.