• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Steve Dailisan sa daan-daang mga empleyado ng Cebu Pacific na nawalan ng trabaho.

Steve Dailisan, nawalan ng trabaho bilang piloto dahil sa pandemya

Isa si Steve Dailisan sa daan-daang mga empleyado ng Cebu Pacific na nawalan ng trabaho.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/27/2020 01:19 PM
Steve Dailisan, nawalan ng trabaho bilang piloto dahil sa pandemya
Photo Credit: @stevefdailisan Instagram

Malungkot na ibinalita ng dating GMA reporter at ngayo’y piloto na si Steve Dailisan na isa siya sa mga nawalan ng trabaho bilang piloto sa isang sikat na local airline dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Sa kanyang Instagram post, unang ikinuwento ni Steve ang kanyang pagkadismaya sa mga bagay na nangyayari at patuloy na nangyayari ngayon. 

“When the pandemic took a big blow in our lives I never thought that it would hit me hard. As a news person, I thought I've witnessed too many bad times,” pahayag ni Steve. 


Ayon kay Steve, hindi niya inaasahan na pagkatapos ng ilang buwang pagsasanay upang makamit ang kanyang pangarap na maging piloto ay bigla na lang itong maglalaho na parang bula.

“In January of this year, I was released as First Officer after some grueling months of training. Only to realize it would be the shortest stint in my entire professional career. In a matter of 10 months, I lost it. COVID-19 stole the very heart of my dream—flying,” saad niya.

Bagama’t hindi nabigyan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan, tumanaw ng malaking utang na loob si Steve sa kumpanyang aniya’y binigyan siya ng oportunidad upang maihatid ang kanyang mga kababayan sa kanilang paroroonan.

Sabi niya: “It's a shortlived moment but I will always treasure the opportunity given by Cebu Pacific. I will be forever grateful to everyJUAN I've flown with. Ultimately, it’s a humbling experience.”

Dagdag pa niya: “I will have to rest my golden wings for a while to chart a new destination elsewhere. It's a difficult time to be a source of inspiration but believe there will always be a BRIGHT NEW DAY. This is just a step back, not a setback.”

Samantala, nag-iwan naman ng mensahe si Steve sa mga taong kagaya niya na dumadaan sa matinding pagsubok. 

Ayon kay Steve, magluksa sa mga pangyayari hanggang sa kinakailangan ngunit kung maaari ay alalahanin na hindi dito nagtatapos ang lahat at sa huli, may plano ang Diyos. 

“And to you who's reading this lengthy post, just keep going. If you lost something or someone during this crucial time, cry for a while. Mourn if you must. Let it all out. Have that one last cry and then, move on. Don't rush in trying to find the meaning in all of these but learn to move forward as quickly as you can. At the end of the day, we should just trust God's plan. I am,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa ni Steve, naniniwala siya na pagsubok lamang ito at magkakaroon pa rin siya ng pagkakataon na makalipad muli.

Ani Steve: “This definitely will not be the end, rather the beginning of bigger dreams. I am certain, we will continue our quest to reaching the skies to be with our stars! For now, I only have to say, FLY WITH YOU SOON. Fighting!”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

When the pandemic took a big blow in our lives I never thought that it would hit me hard. As a news person, I thought I've witnessed too many bad times. In January of this year, I was released as First Officer after some grueling months of training. Only to realize it would be the shortest stint in my entire professional career. In a matter of 10 months, I lost it. COVID19 stole the very heart of my dream---flying. It's a shortlived moment but I will always treasure the opportunity given by Cebu Pacific. I will be forever grateful to everyJUAN I've flown with. Ultimately, its a humbling experience. I will have to rest my golden wings for a while to chart a new destination elsewhere. It's a difficult time to be a source of inspiration but believe there will always be a BRIGHT NEW DAY. This is just a step back, not a setback. And to you who's reading this lengthy post, just keep going. If you lost something or someone during this crucial time, cry for a while. Mourn if you must. Let it all out. Have that one last cry and then, move on. Don't rush in trying to find the meaning in all of these but learn to move forward as quickly as you can. At the end of the day, we should just trust God's plan. I am. This definitely will not be the end, rather the beginning of bigger dreams. I am certain, we will continue our quest to reaching the skies to be with our stars! For now, I only have to say, FLY WITH YOU SOON. Fighting! 😉 WATCH: https://youtu.be/P0UfbAQoJwc #TAKEOFF #ThankyouCeb #MovingForward #NewDay #Oct2019Batch

A post shared by Steeeeve Dailisan, MC (@stevefdailisan) on

 

Noong Hulyo unang inanunsyo ng Cebu Pacific na magkakaroon ng retrenchment sa kanilang kumpanya at aabot sa 800 ang mawawalan ng trabaho.

Patuloy na dumarami ang nawawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya kabilang na ang mga empleyado ng ABS-CBN kung saan pwersahan itong sinara ng gobyerno matapos umanong lumabag sa iba’t-ibang batas.

Ngunit matapos ang labindalawang beses na pagdinig sa Kongreso ay napatunayan ng kumpanya na wala itong nilabag na batas.