• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Maja Salvador successful showbiz personality pagdating sa kaniyang karera at personal na buhay.

Maja Salvador, ibinahagi ang dahilan kaya nagsusumikap sa buhay

Isa si Maja Salvador successful showbiz personality pagdating sa kaniyang karera at personal na buhay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/27/2020 01:41 PM
Maja Salvador, ibinahagi ang dahilan kaya nagsusumikap sa buhay
Photo Credit: @iammajasalvador Instagram

Sa naganap na episode ng I Feel U nitong Linggo, nagbalik-tanaw ang Kapamilya actress na si Maja Salvador sa kaniyang buhay bilang isang bread winner ng pamilya.

Baon ang kaniyang personal experience sa buhay, nagsimulang mangarap si Maja para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

“Siyempre sa experiences sa life. Bata ka palang nakikita mo na lahat ng nangyayari sa family mo. Alam mo ‘yung palipat-lipat ako ng bahay. Siyempre ‘yung mommy ko nagtatrabaho abroad ako lipat lipat ako ng bahay sa mga kapatid niya para alagaan ako,” kuwento ni Maja sa panayam ng I Feel U host na si Toni Gonzaga.


“Doon pa lang nagsimula akong mangarap, hindi lang para sa akin, kundi para sa pamilya ko.”

Kaya naman, sa pagkakaroon ni Maja ng opprtunidad na makapag-provide para sa kaniyang pamilya bilang isang artista, sinikap ng aktres na ibigay ang buong sarili at ibigay ang buong puso sa trabaho para maabot ang pangarap na bahay para sa mga kapatid.

“Ang magkaroon kami ng sariling bahay, kasi wala kaming bahay, nakikitira kami. ‘Di ba sa probinsya ako lumaki, noong umuwi na ang mama ko dito sa Pilipinas, nag-decide siya na kunin na ako sa mga kapatid niya at sa Manila na kami,” ani aktres.

“Noong nasa Manila naman kami, nakitira naman kami sa mga pinsan niya, alam mo ‘yun yung walang permanent, wala kaming sariling bahay,” kuwento ni Maja.

Kasabay ng kaniyang pag-abot sa pangarap ang sakripisyo na ginawa ni Maja sa kaniyang sarili.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HAPPY FATHER’S DAY ❤️ can’t wait for these special moments to happen again.

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

 

“Siguro na sacrifice ko ang school. Kasi kahit gaano ko gusto mag-aral, tinanggap ko nalang na hindi, dito muna ako (tuloy ang trabaho). Alam mo ‘yung first time mo lang nagkaroon ng pera talaga. Kasi ‘yung pera naman namin dati allowance lang talaga,” saad niya.

Nasakripisyo man ang sariling pangarap, sulit naman ang pagod ni Maja sa naging sukli ng mga kapatid niya na nakapag tapos na ngayon ng kanilang pag-aaral.

“Yung para kang naging nanay ng maaga, ‘yung ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos sa pag-aaral ‘yung kapatid mo, may kaniya-kanya na silang trabaho. Hindi man ako makapag-tapos ng pag-aaral, pero nai-share ko ang lahat ng pagod at paghihirap ko, nagbunga ng maganda sa mga kapatid ko,” pahayag ni Maja.