• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño sa pagkakatanggal ng kanyang tanggapan sa Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Liza Diño, ipinaliwanag ang proposal ng FDCP para sa MMFF

Nagsalita na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño sa pagkakatanggal ng kanyang tanggapan sa Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/27/2020 08:14 AM
Liza Diño, ipinaliwanag ang proposal ng FDCP para sa MMFF
Photo Credit: @lizadino Instagram

Nagsalita na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño tatlong araw matapos makatanggap ng sulat mula sa Metro Manila Development Authority Chair Danilo Lim na nagsasabing tinatanggal na siya bilang parte ng Metro Manila Film Festival (MMDA) executive committee.

Sa isang panayam sa ABS-CBN Teleradyo noong Linggo, Hulyo 26, sinabi ni Liza na natanggap niya ang dokumento noong July 23 ngunit bago pa nito ay nakita na niya ang opisyal na pahayag sa Facebook page ng MMDA spokesperson Celine Pialago.

“We just attended the executive committee meeting that Friday. Before, wala namang sinabi sa amin about the whole issue or any concern. MMDA is also part of the FDCP council. They are a board of trustee. So, as government agencies, there are proper processes by which these concerns should be raised,” paliwanag niya.


Sa puntong balak umano ng FDCP na ilipat sa jurisdiction nila ang MMFF, sinabi ni Liza na ang proposal na ito ay noon pang 2017.

“For the last 30 years po, kahit na ang original presidential proclamation natin ay ang sinasabi Metro Manila lang po ang coverage ng MMFF at 10 days lang po instead of 14 days, ang practice po natin ay buong Pilipinas po ang nagpapalabas ng MMFF, at two weeks po siya instead of 10 days,” lahad nito.

“In 2016, because the movies were not performing in comparison to how films were performing in the previous years, ni-reference po yung provision po ng law na yun originally para paikliin ang duration at ilimita sa Metro Manila ang pagpapalabas,” dagdag pa niya.

Dahil dito, nagawa ang proposal na ang kadahilanan ay mapalaki at ma-extend ang MMFF para masakop ang pag-facilitate nito sa buong Pilipinas officially.

Sinabi din ni Liza na naniniwala siyang tama lamang na FDCP na ang mamahala sa film festival dahil ang MMDA ay Metro Manila lang ang nasasakop.

“Nasa mandato po namin mismo yung establishment, operation and pag-run ng film festivals. And of course, as the national film agency of the country, a film festival that’s very integral in shaping the Philippine film industry, rational lang po talaga na nasa ahensya po ng FDCP ang MMFF,” sabi pa niya.

Ayon din kay Liza, wala naman naging reaksyon ang MMDA sa kanilang proposal noong 2017.

“Wala pa pong update after that… Kami wala rin po kaming move because nirerespeto namin yung…we are on a status quo. Actually after that, we have been invited in 2018, 2019 and even this 2020 executive committee. Sumuporta po kami at tinatanggap po namin yung imbitasyon ng MMFF para maging parte kami ng executive committee because we support and we respect process.”

Sinabi pa nito na hindi rin prioridad ng FDCP ang film fest sa ngayon.

“Kung sinasabi niyang (Pialago) currently kaming nagla-lobby, and then pinost niya yung 2017 position paper of the FDCP… nagulat kami kasi as far as we know, sa end ng FDCP, iba po ang mga prayoridad namin ngayon. Hindi po namin prayoridad ngayon ang film festivals dahil mas marami pa pong mga issue at mga pangangailangan ang industriya because of this pandemic,” aniya.

Gusto din linawin ng FDCP kung bakit ngayon sila nakatanggap ng ganitong document matapos ng tatlong taong walang update sa kanilang proposal.

“Actually, ang talagang question lang po namin sa MMFF is why was there a post by the MMFF spokesperson referencing a 2017 document na napag-usapan na po ng aming board at wala pong further action na nangyayari, and then bakit po kami naka-receive ng ganito?” sabi ni Liza.

Nirerespeto din daw ng FDCP kung ano pa man ang desisyon ng Executive Committee.

“Of course, we will respect the decision of the board, we will respect the decision of the MMFF. But as a government agency, there are proper processes on this because siyempre po, unintentionally, nata-tarnish po yung pangalan ng FDCP on something na wala po kaming kinalaman right now.”

Panoorin ang buong panayam dito:

May nakatakda din daw na meeting sa pagitan ng dalawang ahensya matapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.