• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang shoe repairman sa Marikina City ang hinatiran ng tulong ni Angel Locsin sa bagong episode ng kanyang programang “Iba ‘Yan.”

Angel Locsin, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng shoe repairman sa Marikina sa ‘Iba ‘Yan’

Isang shoe repairman sa Marikina City ang hinatiran ng tulong ni Angel Locsin sa bagong episode ng kanyang programang “Iba ‘Yan.”

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/27/2020 01:32 PM
Angel Locsin, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng shoe repairman sa Marikina sa ‘Iba ‘Yan’

Isang shoe repairman sa Marikina City ang hinatiran ng tulong ni Angel Locsin sa bagong episode ng kanyang programang “Iba ‘Yan.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tinuruan naman ni Tatay Ray si Angel Locsin kung paano magtahi ng sapatos #IbaYan!


A post shared by Iba ‘Yan! (@ibayanph) on

 

Kabilang ang kabuhayan ni Reynaldo Bayawal, 61 anyos na mahigit tatlong dekada nang nagtatrabaho bilang sapatero sa tinaguriang Shoe Capital of the Philippines, sa mga apektado ng krisis dulot ng COVID-19. 

Kwento niya, “Wala ngang kinikita dito ma’am, mahina. Minsan kikita lang ako ng P300, minsan P400.“

Dahil sa hina ng kita, naisipan ng misis ni Bayawal na si Flora ng magbenta ng hotdog at cheese sticks upang makatulong sa pang-araw araw na gastusin ng kanilang pamilya. 

“Sa maliit na kinikita ko sa pagbebenta, nakakaraos na po kami sa pambili ng kape at ulam. Dati nagtitinda ako ng kakanin pero ngayon nasubukan ko itong hotdog, cheese sticks dito lang sa mga kapitbahay,” ani Flora.

Sa kabila ng hirap ng buhay ay patuloy na nagsusumikap ang mag-asawa para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Marikina City, nabigyan ng “Iba ‘Yan” ng “Listas Bags” o emergency kits at relief package ang pamilyang Bayawal.

Nakatanggap si Reynaldo ng bagong stall, pati na ng mga bagong kagamitan upang makatulong sa kanyang kabuhayan bilang sapatero.

Samantala, ang kanyang misis ay nakakuha naman ng “kabuhayan package” mula kay Marikina Mayor Marcy Teodoro.

Panoorin ang buong episode dito:

Napapanood ang “Iba ‘Yan” sa Kapamilya Channel, iWant, at YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN News.