• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkita nang muli si Alden Richards at ang kanyang spiritual adviser sa isang parish sa Antipolo.

Alden Richards, hinangaan sa kaniyang dedikasyon sa pananampalataya

Nagkita nang muli si Alden Richards at ang kanyang spiritual adviser sa isang parish sa Antipolo.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/26/2020 05:47 PM
Alden Richards, hinangaan sa kaniyang dedikasyon sa pananampalataya
Photo credit: @Credo in unum Deum on Facebook

Matapos ang mahabang panahon ng lockdown at pagbubukas ng pintuan ng mga simbahan, isa ang aktor na si Alden Richards sa mga agaran na nanalangin sa simbahang naging malapit sa kanya.

Sa picture na kasama si Fr. Jeffrey Benitez Quintela, makikita ang pagbabalik ni Alden sa simbahan ng St. John Vianney Parish sa Antipolo.

"After four months in quarantine, it's the return of the 'Prodigal Son'. Alden Richards in the House!" caption sa post ng larawan sa Facebook. 


Pinuri ng netizens ang pagiging katoliko ng aktor na isang magandang ehemplo na sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi pa rin nakakalimot sa  kaniyang obligasyon bilang isang alagad ng diyos.

“Si Alden Richards ay saradong katoliko, madasalin at malapit sa Simbahan. Sa tulong ng kaniyang spiritual adviser na si Fr. Jeff, lalong nagpapatuloy ang kaniyang pananampalataya. Ang sarap lamang tingnan ang isang taong popular, ngunit hindi nagmamataas sa Diyos,” sabi pa sa post.