• Home
  • Fresh Scoops
  • Itinanggal si Liza Diño sa MMFF Executive Committee dahil sa pagpipilit nitong ilipat ang film fest sa FDCP.

Liza Diño, out na sa Executive Committee ng MMFF

Itinanggal si Liza Diño sa MMFF Executive Committee dahil sa pagpipilit nitong ilipat ang film fest sa FDCP.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/24/2020 02:55 PM
Liza Diño, out na sa Executive Committee ng MMFF
Photo Credit: @lizadino Instagram

Sa pag arangkada ng 2020 Metro Manila Film Festival, inilatag ng committee ang ilan sa mga pagbabago sa kanilang hanay.

Kabilang na dito ang pagkakatanggal ng sa isa sa kanilang executive committee member na si Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Diño.

Sa lumabas na liham ng overall chairperson ng Metro Manila Film Festival na si Danilo Delapuz Lim para sa FDCP chairwoman nitong July 21, 2020, hinihiling nila ang pagbibitiw ni Diño bilang bahagi ng ExeCom.


STATEMENT:

“As early of 2016 you already made efforts to transfer management of MMFF from Metro Manila Development Authority (MMDA) to Film Development Council of the Philippines (FDCP). You even wrote a letter to Malacañan asking for extension of festival period for MMFF and to transfer chairmanship of MMFF from undersigned to you,” bahagi ng liham ng overall chairman ng MMFF.”

Hindi rin umano nagustuhan ng MMFF committee ang paratang ni Diño sa mga kontrobersya na kinasangkutan ng MMFF sa mga nagdaang panahon.

“You even directly accused MMFF being involved in controversies, an institution to which you supposedly belong and as a member of executive committee should be defending. Recent events and information coming to our office indicate that have not given up your dream to take over the chairmanship or MMFF and to take it away [from] MMDA and is actively pursuing the same.”

Ayon pa sa liham, hiling nila ang pagbibitiw ng FDCP chairperson bilang delicadeza sa kaniyang posisyon at mga kasamahan sa Executive Committee.

“After your first botched attempt to transfer administration of MMFF to you and your office we were expecting you to resign out of Delicadeza. For this reason we would like to inform you that we have decided to withdraw your appointment as a member of executive committee.”

Ang liham ay nilagdaan ng overall chairman ng MMFF na si Danilo Delapuz Lim.