• Home
  • Fresh Scoops
  • Guji Lorenzana says the upcoming addition to their family is a ‘quarantine baby.’

EXCLUSIVE: Guji Lorenzana and wife expecting baby number two

Guji Lorenzana says the upcoming addition to their family is a ‘quarantine baby.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/24/2020 12:25 PM
EXCLUSIVE: Guji Lorenzana and wife expecting baby number two
Photo Credit: @gujilorenzana Instagram

Sa Tinder dating app nagkakilala ang singer-actor na si Guji Lorenzana at ang wife nitong si Cheska Nolasco. They were married noong February 2016.

Ang istorya ng kanilang kakaibang pag-iibigan na nagsimula lang sa isang dating app ay exclusive naming nasulat dito sa PUSH three years ago. Now, after four years ay meron na silang firstborn child – si Cassidy na eight months old na. Si Cassidy ang unang produkto ng kanilang 'Tinder love affair.'

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HAPPY BABY = HAPPY DADDY! @cassidylorenzana #DaddysGirl #HappyBaby #babiesofinstagram #girlsdad #myprincess

A post shared by Guji Lorenzana (@gujilorenzana) on

 

Kumusta na ba ang pagsasama nila ngayon ni Cheska after four years?

“Ang galing ni Lord. Sobrang sakto yung chemistry namin. Lahat ng strengths ko and strengths niya nag- complement,” sagot ni Guji sa aming exclusive PUSH interview via Instagram.

Patuloy niya, “Tulad sa household namin, ako yung tagaluto, siya naman sa household tasks. And sa pag-take care ni Cassidy, teamwork din kami. Since wala kami yaya by choice, kailangan team kami sa lahat and dapat strong yung communication.”

Isa pa raw sa lalong nagpapatatag ng kanilang pagsasama ay ang kanilang pananalig sa Diyos.

“Also very strong yung faith namin sa church. Leaders kami sa prayer group, at lagi kaming nagpe-pray together. Never ko na-experience yonsa ibang relationships ko,” lahad pa niya.

Magaling mag-alaga ng kanyang anak si Guji at kitang-kita ito sa mga Instagram posts niya. Saan ba niya ito natutunan?

Tugon ni Guji, “I was born on Mother’s Day kaya siguro. Dahil sa sobrang close kami ni mommy, I think naging ganun din ako kay Cassidy. Sayang nga na wala na si mommy, for sure she would have been the best Lola sa anak ko.”

Buntis na ulit ang asawa ni Guji sa tinatawag niyang “quarantine baby.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I got bored during quarantine. Baby number 2 on its way!

A post shared by Guji Lorenzana (@gujilorenzana) on

 

“Yes, hahaha! Joke nga namin is na-bore ako dahil stuck nga kami dito sa bahay, kaya yan—number 2 on the way. Sana boy this time. Due date is Feb 2021,” excited na balita ni Guji sa PUSH.