• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa isang official statement, ikinagulat din ng Film Development Council of the Philippines ang mga akusasyong ibinato ng Metro Manila Film Fest Executive Committee sa kanilang chairperson na si Liza D

FDCP Chairwoman Liza Diño sumagot sa akusasyon ng MMFF

Sa isang official statement, ikinagulat din ng Film Development Council of the Philippines ang mga akusasyong ibinato ng Metro Manila Film Fest Executive Committee sa kanilang chairperson na si Liza D

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/24/2020 07:28 PM
FDCP Chairwoman Liza Diño sumagot sa akusasyon ng MMFF

Kasunod ng hiling na resignation mula sa kaniyang posisyon bilang parte ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF), agaran na sumagot si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman Liza Diño sa liham ni MMFF Over-all Chairperson Danilo Lim.

Sa pamamagitan ng isang official statement, nilinaw ng FDCP ang mga isyung ibinabato laban kay Diño ng mga kasamahan sa Metro Manila Film Festival Executive Committee.

Depensa ng inalis na miyembro ng Executive Committee, nalaman lamang nila ang isyu dahil sa Facebook page ng ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago.


“On July 20 2020, the Facebook page of MMDA spokesperson Celine Pialago accused FDCP of lobbying to be in charge of the MMFF and posted images of FDCP’s position paper submitted in 2017 to the Office of the Executive Secretary regarding the MMFF,” umpisa ng statement ng FDCP.

Ayon pa dito,  humingi pa ng clarification ang FDCP sa statement na ito ng MMDA, na ibinase sa 2017 paper na isinubmit pa nila noong 2017, na hindi na napagusapang muli ng magkabilang grupo. 

“On July 21, 2020, FDCP sent a letter to MMDA requesting for clarifications from the MMDA spokesperson’s post. In the letter FDCP explained that (a) the paper was a 2017 position paper of the FDCP, which was forwarded to the MMFF for comments and position and (b) in a meeting in October 2017, the MMFF Executive Committee discussed the document as one of the agenda  and (c) since then up to this date, no further actions were made by the parties on the matter. In fact FDCP accepted subsequent invitations to be part of the Executive Committee after 2017 in support of the Philippine Film Industry.” 

Kaya naman nagulat na lamang ang FDCP na tinatanggal na si Chairman Diño sa kanyang pwesto sa Executive Committee.

“On July 23, 2020, FDCP received a letter from MMDA Chairman Danilo Lim informing FDCP Chairperson Liza Diño of her removal from the MMFF Executive Committee.

“As this was the first official communication received from the chairman about this matter, FDCP has reached out to MMDA for further clarification on their statements reflected in their letter.”

Wala din daw napagusapan sa mga huling meetings ng Executive Committee ang mga isyung nakalagay sa sulat ng MMFF. 

“As far as the FDCP is concerned, in the last meetings conducted by the MMFF Executive Committee, which FDCP attended, and even with the FDCP board of trustees, where MMDA is also a permanent member, none of the issues raised in the letter have officially been taken up. Hence the confusion of the agency.”

Sabi pa ng FDCP ay maglalabas sila ng mas detalyadong statement pag nakausap na nila ang mga miyembro ng komite.

Basahin ang buong statement ng FDCP: