• Home
  • Fresh Scoops
  • Fans want to see Piolo Pascual and Judy Ann Santos in a local adaptation of ‘A World of A Married Couple.’

Fans start online campaign for Piolo Pascual-Judy Ann Santos reunion project

Fans want to see Piolo Pascual and Judy Ann Santos in a local adaptation of ‘A World of A Married Couple.’

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/24/2020 02:50 PM
Fans start online campaign for Piolo Pascual-Judy Ann Santos reunion project
Photo Credit: Juday-Piolo Forever Facebook

Kinababaliwan ngayon ng mga fans ng tambalan nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos ang isang edited teaser version ng A World of A Married Couple kung saan tampok ang kanilang mga idolo.

Makikita sa edited video ang pinaghalo-halong mga eksena at pictures nina Piolo at Judy Ann na bunga ng malilikot na imagination ng kanilang fans.


Dahil dito, lalong umugong ang online campaign ng fans nina Piolo at Juday na magsama ng muli sa isang project together ang kanilang mga idolo at ang Pinoy version ng Korean series na A World of a Married Couple ang kanilang requests para sa kanilang idols.

Sa mga previous interviews kay Judy Ann, aminado ang aktres na nanatili siyang bukas sa posibilidad na reunion project nila ni Piolo sa kondisyong tamang timing at tamang kuwento na babagay para sa kanilang dalawa.

READ: Judy Ann Santos, ipinaliwanag kung bakit hindi natutuloy ang proyekto nila ni Piolo Pascual