• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos makipagpulong sa Star Magic at Star Music, sabi ni Dingdong Avanzado tuloy lang daw ang plano sa karir ng anak kahit nagsara ang ABS-CBN.

EXCLUSIVE: Dingdong Avanzado, tuloy ang mga plano para sa karir ng anak na si Jayda

Matapos makipagpulong sa Star Magic at Star Music, sabi ni Dingdong Avanzado tuloy lang daw ang plano sa karir ng anak kahit nagsara ang ABS-CBN.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/23/2020 01:17 PM
EXCLUSIVE: Dingdong Avanzado, tuloy ang mga plano para sa karir ng anak na si Jayda
Photo Credit: @jayda Instagram

Unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa music scene ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa na si Jayda. Pero kanino ba talaga niya minana ang pagiging musically inclined?

Sagot ng singer na dating Kundirana member, “Siyempre ang tamang sagot diyan ay pareho. Pareho siyang nagmana sa amin. Hahaha! But seriously, Jayda has developed her own style of singing and songwriting. But I would say she got a little bit from both of us.”

Pagmamalaki pa niya sa anak, “But she is more advanced than us when we were at her age. She started writing when  she was 12 years old. Ako, 18 na ata when I wrote my first song.”


Ibinahagi rin ni Dingdong ang plano nila para sa anak lalo na ngayong nagsara na ang ABS-CBN.

“Nakapag-meeting na kami with Star Music and Star Magic and so far tuloy ang plans for Jayda. In fact, she will be releasing her newest single by the end of July this year.

“Excited nga kaming lahat kasi we feel that people are looking for something positive and uplifting. And hopefully her music can be the medium for that kind of message.

“It really is hard nowadays especially because the morale of people is quite low. We want to help them stay hopeful and somehow make them smile and have them sing along to new tunes during this very difficult time,” excited niyang kuwento.

Matagal na sa music industry si Dingdong na 52 years old na nitong July. Sa edad ba niya ngayon ay paano niya tinututukan ang pag-aalaga sa kanyang physical appearance?

“Until now, I still go to my dermatologist and also use products to help me maintain my appearance,” pagtatapat niya.

“I think it is very important for an artist to always look his/her best at all times. We owe it to our audience and to ourselves to look and feel good. I’m kinda old school when it comes to giving premium to grooming, styling and hygiene.

“For me kasi, how you carry yourself reflects the kind of person you are. Some people might say it’s vanity. But to me it’s just a sign of respect and giving value to the audience and the people that support you. You are setting a good example. But we should not overdo it,” paliwanag niya. 

Meanwhile, si Dingdong ay celebrity endorser na rin ng Beautederm beauty products. Si Jessa ba ang dahilan kung bakit kinuha siyang endorser ng kompanya ni Rhea Tan?

Sagot ng singer, “Well, she had a hand in it. Kasi siya rin ang ang nag-introduce ng mga Beautederm products sa akin. But the reason why I agreed to be one of their ambassadors is due to the credibility of their company. When you combine quality and credibility it will only yield good results.