• Home
  • Fresh Scoops
  • Bilang may bahay, ibinahagi ni Bianca Gonzalez ang challenge ng work from home set up ng kanyang pamilya.

Bianca Gonzalez, ibinahagi ang epekto ng quarantine sa pamilya

Bilang may bahay, ibinahagi ni Bianca Gonzalez ang challenge ng work from home set up ng kanyang pamilya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/23/2020 06:35 PM
Bianca Gonzalez, ibinahagi ang epekto ng quarantine sa pamilya

Sa naganap na episode ng “I Feel U”, isa ang Kapamilya host na si Bianca Gonzalez sa mga nagbahagi ng kaniyang work from home experience ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Kuwento ni Bianca na host ng iba’t ibang programa, challenging rin ang ginawa niyang adjustment bilang isang ina ang hatiin ang oras niya sa trabaho at oras sa pamilya.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

DAY 81(ish?) When I feel overwhelmed by everything happening in the world, I find comfort and solace when I look at my family. . My favorite part of the day since the quarantine is the one hour window right after lunch and before the kids' naptime where we are 100% fully present with both kids in the little pool set-up at the back of the house that my husband got for the kids. I make a conscious effort to NOT think about work or my to-do list, and it's the time I enjoy without my phone, where I can fully BE with the family. 💙 With a million things running through our minds nowadays, from working from home to bills to pay, to the news we watch that makes us sad or angry or both at the same time, to so many other things, we deserve to give ourselves a small part of our day where we can just BE. In whatever way, I hope you have found that pocket of time within your daily life where you can fully BE. 🍃

A post shared by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca) on

 

“Siguro the new challenge here sa new normal ay yung boundaries ng trabaho at family time,” tugon ni Bianca sa panayam ni Toni Gonzaga.

Aniya, ibang iba ang nakasanayan ng marami sa atin na normal na buhay noon bago dumating ang global health crisis.

“Iba ‘yung hirap nang nate-taping tayo sa outside world at iba rin ‘yung hirap dito sa bahay, since pinag usapan na natin yon, actually malaking blessing rin na hindi ka na sumusuong sa traffic, like ito after mo mag-taping embrace mo agad mga anak mo, parang meron din siyang unexpected na sarap,” paliwanag ni Bianca.

Malaking adjustement man, thankful sang TV host na patuloy pa rin niyang nagagawa ang trabaho sa kabila ng maraming pagsubok.

“At this time grateful lang tayo na may trabaho tayo, parang may ganun e’, grateful tayo na we do, what we do kahit na nitong work from home set up.”

 

 

At bilang may bahay, ipinaliwanag rin ni Bianca na isa rin sa adjustment ang ibalik ang oras sa kaniyang mister na si JC Intal. Paliwanag ng TV host, tulad ng maraming mag-asawa nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan.

“Okay naman, may days na okay na okay. Happiness, love ganyan, pero may days rin na nate-test ang patience niyo sa isa’t isa although normal naman yun, pero ang na notice ko lang is ‘yung pa start pa lang ng quarantine, kasi imagine from living our lives outside biglang, 1-2 weeks nasa bahay lang,” sabi pa niya.

“Definitely yung mga first few weeks, the inisan level was mataas, but then ‘yung nagkaroon na ng timplahan, adjustment naging mas okay na,” patuloy pa niyang kuwento.

At sa pagpapalaki naman sa kaniyang mga anak, sinisigurado rin ni Bianca na mulat ang mga ito sa kasalukuyan na pangyayari sa kanilang paligid.

READ: Mabuting asal ng mga bata dapat ding pagtuunan ng pansin ayon kay Bianca Gonzalez

“We can start to explain things na sa kanila at naiintindihan na nila. So ang biggest realization ko talaga parang let your children in on what’s happening. Don’t lie to them how things really are, kasi even if feeling natin na maliit pa sila, there are things that they understand it already,” pahayag ng TV host.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Bianca sa kaniyang online shows at bilang host ng Cinema News na napapanood tuwing Biyernes sa Cinema One.