• Home
  • Fresh Scoops
  • Puntirya ngayon ng mga basher si Nikki Valdez matapos ang pagpapahayag ng suporta sa kanyang home network na ABS-CBN.

Anak ni Nikki Valdez, puntirya ng mga basher

Puntirya ngayon ng mga basher si Nikki Valdez matapos ang pagpapahayag ng suporta sa kanyang home network na ABS-CBN.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/23/2020 07:19 PM
Anak ni Nikki Valdez, puntirya ng mga basher

Isa ang StarMagic Artist na si Nikki Valdez sa mga hayagan na nagbigay ng suporta sa pagsasara ng ABS-CBN.

READ: Nikki Valdez shares message for ABS-CBN’s detractors: ‘Hindi mananaig ang kasamaan’

Sa social media, makikita ang mga sentimiyento ni Nikki na tila pumukaw ngayon sa atensyon ng ilang netizens, na dahilan rin para pag-initan siya ng mga “trolls” na umaabot na sa personal ang pag-atake sa kaniyang pamilya.


Sa series ng posts ni Nikki sa Twitter, inilahad ng Kapamilya star ang ilan sa mga pahayag ng netizens, na tila iniinsulto na ang kaniyang anak na si Olivia na may symbrachydactyly, isang congenital malformation, kung saan hindi nag-develop ng maayos ang kanyang mga daliri habang ipinagbubuntis.  

READ: Nikki Valdez talks about her daughter’s special condition

 

 

Dito, makikita rin ang ilan sa mga pag screen grab ni Nikki sa pang iinsulto sa kaniyang anak, na kaniyang pinaniniwalaan na epekto ng kaniyang pagpapahayag ng saloobin sa mga isyu laban sa ABS-CBN.

 

 

Ayon pa sa Kapamilya star, hindi niya kaya palagpasin ang mga pahayag na binibitawan ng mga basher na insulto sa kaniyang anak.

“I can take all the worst things you can say about me pero pag anak ko ang dinamay ninyo, diyan tayo magkakagulo! Kung sino ka man, buhay mo ba itong nasa Twitter para mandamay ng bata? Tumawa ka at mga tulad mong toxic na tao ngayon pero sisiguraduhin kong singilin ka.”

 

 

Sinigurado rin ni Nikki na ipapahanap niya ang naturang basher na nagbitaw ng di magandang pahayag laban sa anak niyang menor de edad.

 

 

Hindi rin maiwasan ng Kapamilya star na ikumpara ang estado ng mga fans noon at ngayon, na tila umaabuso na sa pagtatanggol sa kanilang mga idolo.

“Alam niyo nung time namin at noon pa sa showbiz way back kina Ms. Vilma Santos and Ms. Nora Aunor, marami din fandoms. Grabe nila ipagtanggol ang mga idolo nila PERO hindi sila tulad ng generation ng some members ng fandoms ngayon. Nang aaway ng artista, staff at mga respetadong journalists and writers dahil lang nahurt sila para sa iniidolo nila. Worst is some of you hide behind your idol’s pictures. Malala kayo! Anong meron sa mga ganitong fans para kayanin niyong gawin ito? Pwede kayo magtanggol pero huwag toxic my goodness.”