• Home
  • Fresh Scoops
  • Umalma ang direktor na si Erik Matti sa pagbabalik ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival.

Pagbabalik ng ‘Praybeyt Benjamin’ sa MMFF, inalmahan ni Erik Matti

Umalma ang direktor na si Erik Matti sa pagbabalik ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/22/2020 04:01 PM
Pagbabalik ng ‘Praybeyt Benjamin’ sa MMFF, inalmahan ni Erik Matti
Photo Credit: @praybeytbenjamin Instagram

Tila hindi nagustuhan ng director na si Erik Matti ang naging pagbabalik ngayong taon sa Metro Manila Film Festival ng Praybeyt Benjamin na pagbibidahan ni Vice Ganda.

Sa kaniyang social media post, naghayag ng kaniyang saloobin ang direktor sa muling pagkakabilang ng pelikula ni Vice sa taunang film festival.

Ayon sa direktor “Bagsak na nga ang pelikula, sumara na ABS, Praybeyt Benjamin pa rin palabas sa Pasko? Walang nagbago a! Kinangkina!” post ni Matti sa Facebook.


Aniya pa, tila hindi na umano natuto ang mga namumuno ng MMFF sa magagandang kuwento na napapanood ngayon sa iba’t ibang streaming platform.

“5 months lockdown. Thousands of content binged. Biggest network closes. Praybeyt Benjamin. We never learned.”

Matatandaan na ang dalawang pelikula ng Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda sa MMFF noong 2011 at 2014 ang ilan lang sa mga pelikulang tumabo sa takilya sa taunang film festival.

At ngayong 2020, isa ang Praybet Benjamin sa mga pelikulang magbabalik kasabay ng anunsyo ng Metro Manila Development Authority na siyang namumuno sa taunang film festival.

READ: Joshua Garcia, Vice Ganda, at Toni at Alex Gonzaga maghaharap sa 2020 MMFF

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw kung posible na nga ba magbukas ang mga sinehan sa darating na Kapaskuhan na panahon rin ng pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2020.