• Home
  • Fresh Scoops
  • 43-years old si Ethel Booba nang isilang niya ang kaniyang first baby na si Baby Michaela

Ethel Booba, ibinahagi ang ligaya sa pagtutok sa kaniyang anak

43-years old si Ethel Booba nang isilang niya ang kaniyang first baby na si Baby Michaela

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/22/2020 12:54 PM
Ethel Booba, ibinahagi ang ligaya sa pagtutok sa kaniyang anak
Photo Credit: @ethelbooba Instagram

Sa naganap na episode ng I Feel U nitong Linggo, isa sa mga magbabago nang kaniyang journey bilang isang nanay ang comedienne na si Ethel Booba.

Para kay Ethel, ibang fulfillment ang ang ibinigay sa kaniya nang pagkakaroon ng baby.

“Actually fulfilling talaga na isa na akong ganap na babae,” tugon ni Ethel sa panayam.


Pagbibiro ng first time mom, tila patunay na ito sa kaniyang mga hinarap na intriga na sinasabing baog umano siya.

“Kasi dati may mga nangi-intriga sa akin na actually mga kamag-anak ko sinasabi na baog daw ako ganyan. Pero hindi ko lang sinasabi sa kanila na meron din akong problema ayoko din sila mag worry,” sabi pa ni Ethel.

“Pero ngayon, isa na akong ganap na babae, may matres ako! (Laughs) hindi ako baog at nakahabol pa ako.”

Sa kaniyang edad ngayon, aminado si Ethel na minsang dumating ang pagkakaton na sumuko na siya na magkaroon ng sarili niyang anak.

“Before... Pero nung nagkasunod sunod na ‘yung mga pamangkin ko ako na ‘yung naging nanay nila. So napagod rin ako sa pag-aalaga sa akin, pinapa-ampon tapos pag malaki na aalis na. Ganun ang naging relationship ko sa mga pamangkin ko.”

At sa pagdating ng kaniyang first baby, tila nabura ang kawalan nang pag-asa na ito ni Ethel at tanging inisip na lang ang pagbuhos nang atensyon niya sa kaniyang only daughter.

“Actually si Michaela, (nagpabago) talagang dumating na talaga siya sa akin,” sambit ni Ethel.

Patuloy niya: “Ewan ko... Kasi iniisip ko rin talaga lately na parang grabe ‘yung pagta-trabaho ko, trabaho ako nang trabaho para akong tanga parang wala naman ako pagmamanahan. Kaya nung dumating siya, iniingatan ko talaga siya at ibinigay talaga siya ni Lord.”

At ngayong panahon nang pagsubok, inamin ng comedienne na ibang saya ang ibinibigay ng kaniyang anak sa kaniya sa tuwing siya ay nalulungkot.

“Buti nalang ngumi-ngiti na siya, ningingitian ako, Tapos yung partner ko andyan sa akin palagi, nakaka worry na hindi mo alam kung mae-enjoy niya ba ang life niya, hindi natin alam e. Walang kasiguraduhan kung makakalabas ba siya, ma experience ba niya ‘yung lahat ng kaligayahan na na experience ko rin, o tsaka yung future,” pahayag ni Ethel.

RELATED NEWS: READ: Ethel Booba gives birth to her firstborn

READ: First Look: Ethel Booba shares photo of ‘Little Booba’

Pebrero nitong 2020 nang isilang ng 42-year-old comedienne ang kaniyang anak sa partner na si Jessie Salazar.