• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Alice Dixson na ito ang unang beses sa loob ng tatlong dekada na siya ay magsasalita tungkol sa “taong ahas” sa Robinsons Galleria.

Alice Dixson, handa nang ilahad ang totoong kwento sa likod ng ‘taong ahas’ sa Robinsons

Sinabi ni Alice Dixson na ito ang unang beses sa loob ng tatlong dekada na siya ay magsasalita tungkol sa “taong ahas” sa Robinsons Galleria.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/22/2020 10:51 AM
Alice Dixson, handa nang ilahad ang totoong kwento sa likod ng ‘taong ahas’ sa Robinsons
Photo Credit: @alicedixson Instagram

Halos tatlong dekadang binagabag ang sambayang Pilipino ng usap-usapan tungkol sa nilalang na umano’y may anyong ahas sa loob ng Robinson’s Galleria. At ngayon, handa na magsalita ang aktres na si Alice Dixson tungkol dito. 

 

 

Sa isang Instagram post, sinabi ni Alice na bagama’t ayaw niyang buhayin ang “chismis,” nangako siya sa isang kaibigan na ilalahad niya ang kuwento tungkol sa tinaguriang “urban legend” para bigyang linaw ang kanyang mga kababayan. 

“Hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lng linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nun dalaga pa ako,” saad ni Alice. 

Dagdag pa niya: “I made promise to a dear friend—I said I would tell my side of the story this year at dahil 30 year anniversary na this month, it is NOW time.”

 

 

Ngunit tila kailangan pang maghintay ng mga nagnanais na malaman ang kuwento niya sapagkat ikukuwento niya ang tungkol dito sa isang YouTube vlog.

Ani Alice: “Yes, 3 decades na! And I’ve never said a word or explained my side.” “Kaya if you are one of the many na gusto nyo malaman ang totoo, panoorin nyo etong kuento ko sa akin YouTube channel.”

Panoorin ang kanyang post sa ibaba: 

 

 

Ayon sa usap-usapan, bigla na lang nahuhulog sa mga fitting rooms ng mall ang mga babaeng natitipuhan ng “taong ahas” upang kainin ang mga ito. 

Bagama’t marami ang bersyon na lumabas tungkol sa nasabing kwento, isa marahil sa pinakapatok ang kuwento kung saan sinasabing kakambal umano nito ng anak ni John Gokongwei na si Robina ang nasabing nilalang. Isa daw si Alice sa muntik naging biktima nito.

Noong taong 2018, naglabas ng patalastas ang Robinsons tungkol sa “refurbished” na Galleria branch ng nasabing mall chain na pinagbidahan ni Alice.