• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang job fair ang tila binubuo ni Luis Manzano para sa employees ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Jessy Mendiola, pinuri ang tahimik na pagtulong ni Luis Manzano sa mga kasamahan sa ABS-CBN

Isang job fair ang tila binubuo ni Luis Manzano para sa employees ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/21/2020 06:58 PM
Jessy Mendiola, pinuri ang tahimik na pagtulong ni Luis Manzano sa mga kasamahan sa ABS-CBN
Photo credit: @senorita_jessy on Instagram

Hindi naiwasan na humanga ni Jessy Mendiola sa boyfriend na si Luis Manzano, na abala ngayon sa pagtulong sa mga kasamahang emplayado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho.

Kasunod ito nang tuluyan nang pagpatay ng prangkisa ng kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN na dahilan ng pagkawala ng trabaho ng mga empleyado nito.

Sa isang lengthy social media post ni Jessy, pinuri niya si Luis na nag-oorganisa ngayon ng job fair para sa mga kasamahan sa trabaho.


This man has been working on the phone for the past 3-days. Meron siyang ginagawang job fair group kasama ang iba niyang kaibigan, para mailipat at makatulong sa ibang Kapamilya employees na nawalan ng trabaho,” bahagi ng post ni Jessy.

Alam ko na hindi ko na dapat ito i-post, pero sobrang proud ako sa’yo love. You’ve been putting others first before yourself,” aniya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

4 years and counting. ❤️ #tbt

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

Ayon pa sa post ni Jessy, isa sa mga inalala ng nobyo nang tuluyan nang hindi na renew ang prangkisa ng ABS-CBN, ang mga kasamahan sa programa na nawalan na ng trabaho.

“Ang pinaka unang reaksyon mo nung nahatulan ang denial ng franchise renewal ‘paano ang staff ko,’ (meaning paano ang staff niya sa mga shows niya). Hindi ka nagpo-post about it kaya ako na lang.”

READ: Luis Manzano, proud son sa panindigan ng inang si Vilma Santos

Nagpahayag rin si Jessy sa mga nagsasabing tahimik lang si Luis sa gitna nang laban ng mga Kapamilya.

Sinasabi ng iba, tahimik ka lang daw sa kasagsagan ng nangyayari. Ang hindi nila alam, gumagalaw ka na pala para sa mga mawalan ng trabaho. Hindi man lahat matutulungan mo, ang importante, ginagawa mo lahat sa makakaya mo

"Sobrang buti ng puso mo. Sobrang thankful namin sayo. Maraming salamat Lucky Manzano. Mahal na mahal ka namin,” pahayag ni Jessy.