• Home
  • Fresh Scoops
  • Oliver Aquino inaming ang controversial film na ‘Jino To Mari’ ang dahilan ng break-up nila ng non-showbiz girlfriend.

EXCLUSIVE: Oliver Aquino, pelikula ang dahilan sa pag-breakup sa non-showbiz girlfriend

Oliver Aquino inaming ang controversial film na ‘Jino To Mari’ ang dahilan ng break-up nila ng non-showbiz girlfriend.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/20/2020 01:05 PM
EXCLUSIVE: Oliver Aquino, pelikula ang dahilan sa pag-breakup sa non-showbiz girlfriend

Aminado ang aktor at dating Anime member na si Oliver Aquino na nakaapekto sa relasyon nila ng non-showbiz girlfriend ang controversial film na ginawa niya titled Jino to Mari na 2019 entry sa Sinag Maynila Film Festival directed by Jay Atarejos.

Sa Jino To Mari ay gumaganap si Oliver bilang isang sex worker at ayon mismo sa binata, ito ang pinaka-daring na pelikulang ginawa niya at hindi na raw niya ito uulitin. Kapartner ni Oliver sa pelikula si Angela Cortez.

“Sobra talaga yon. Hirap na hirap ako don. Last na yon. Ayoko nang gumawa ulit ng ganun. Sobrang okey na yon,” deklara niya sa exclusive PUSH interview.


Dugtong niya, “At least nagawa ko na yung ganung klase. Kasi para hindi rin kami mahirapan sa acting do’n tinreat din kami ni Direk Jay as sex workers talaga. Wala kaming dressing room, wala kaming make-up, pakalat-kalat lang kami sa set.

“So hindi na rin naging mahirap, kasi parang yung dignidad mo the whole week na nagsuyuting kami sobrang ang baba na. Hindi na kailangang mag-motivate pa.”

Kung anu-anong feedback ang natanggap ni Oliver pagkatapos gawin ang isang orgy scene sa Jino To Mari. Karamihan ay nagtataka kung bakit siya pumayag na gawin ang eksena.

“Actually, hindi ako tumitingin sa mga comments. Naging ugali ko na yon bata pa lang ako. Comments nila yon, eh, and I respect it, nirerespeto ko yung comment ng ibang tao kasi right nila yon, eh.

“Yon yung point of view nila, so wala akong magagawa do’n. Di ko na yon mababago kahit maging nice ako sa ‘yo kasi once ayaw mo sa akin, wala na akong magagawa do’n,” katwiran ng aktor.

“Maraming nagulat siyempre, sa mga kaibigan ko. ‘Oh, ano ba yan, bakit ginawa mo yon?’ Pero siyempre, kailangan mo ring mag-mature as an actor. Hindi ka naman puwedeng magpa-pogi na lang for the rest of your life,” dagdag niya.

Ang Jino To Mari rin daw ang dahilan kung bakit nag-break sila ng kanyang non-showbiz girlfriend.

Lahad niya, “Nag-break kami nung August last year pa. Kasi siyempre nagalit siya dahil nga do’n. May mga eksena akong alam mo na. Eh, ako naman ginagawa ko lang naman yung part ko.

“Eto ako, eh, ‘Sorry, kailangan kitang paliwanagan,’ pero siguro ayaw na niya. Tapos siyempre, hindi mo naman puwedeng pilitin yung isang tao.”

Gustuhin man daw niya na magkaayos sila pero hindi na talaga umobra.

“Pinaliwanag ko yung side ko. Sinabi ko na gusto ko siya siyempre, ayaw ko siyang mawala, pero kung saan siya masaya, di ba? Ganun naman talaga, eh. Hindi mo puwedeng ikulong yung isang tao sa ‘yo kung ayaw na niya,” sambit pa niya.

Kinokonsider ba niya na taga-showbiz naman ang susunod na ligawan para mas naiintindihan ang trabaho niya?

“Oo, siguro nga. Kasi open ka din sa kanya, eh. Hindi mo siya puwedeng pagbawalan kasi trabaho niya rin yon. So para sa akin nga, feeling ko mas okey yung nasa showbiz. Pero siyempre, hindi mo naman puwedeng piliin, di ba? Mahirap maghanap, eh,” huling pahayag niya sa PUSH exclusive interview.