Jukebox Queeen Eva Eugenio shares secret to career longevity

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

07/02/2020 10:52 AM
Jukebox Queeen Eva Eugenio shares secret to career longevity
Photo credit: Eva Eugenio FB Page

Sa isang long post sa kanyang social media account, ibinahagi ng Jukebox Queen na si Eva Eugenio ang secret ng pagtatagal nya sa kanyang singing career. Apat na dekada na si Eva sa showbiz at bihira nga naman ang nagtatagal ng ganito sa industriya na puno ng pagsubok.

I have been singing for more than 40 years now, at lagi akong tinatanong ng mga tao kung anong advice ang pwede kong ibahagi sa mga gustong maging singer. Para sa akin, ang pagkanta ay kombinasyon ng passion at sipag.

“Hindi ako ipinanganak sa marangyang buhay pero hilig ko talaga ang pagkanta. Nagpursigi ako at ginawa ang lahat mula sa pagsali sa mga singing competition sa aming lugar sa Los Baños, Laguna at pati na rin sa Maynila.”


Naibahagi pa ni Eva ang kanyang sideline para kumita ng extra sa mga panahon na kailangan maitawid ang mga gastusin.

“Rumaraket din ako sa mga bars noong kolehiyo pa ako upang kumita ng pera habang ginagawa ang hilig ko.

“Para sa mga nagnanais maging propseyonal na singer, ang maipapayo ko lamang ay isapuso ang lahat ng iyong ginagawa. Huwag mong kalimutan kung sino ka at ipakilala mo ito sa pamamagitan ng iyong boses. Bigyan ng buhay at emosyon ang bawat kataga ng awiting kinakanta mo.”

Nagbigay advise din ang Jukebox singer sa mga baguhang singer na gusto magtagal gaya niya.

“Para sa mga nagnanais maging propesyonal na singer, ang maipapayo ko lamang ay isapuso ang lahat ng iyong ginagawa. Huwag mong kalimutan kung sino ka at ipakilala mo ito sa pamamagitan ng iyong boses. Bigyan ng buhay at emosyon ang bawat kataga ng awiting kinakanta mo.

“Ngunit, dapat din natin maalala na dapat tayo ay magsipag. Sabi nga nila, Practice makes perfect. Noong nagsisimula pa lamang ako at hanggang ngayon, nirerecord ko ang aking mga kanta upang marinig ko ang tamang tono na gusto ko. Dahil alam ko sa aking sarili na kailangan kong ibigay ang pinakamaganda kong pagtatanghal sa bawat pagtapak ko sa entablado. Ito ay isang photo noong kabataan ko noon ako ay baguhan pa lamang. Sana ay na inspire ko kayo sa akin munting kwento.”