• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging emosyonal si Judy Ann Santos nang maibahagi kung gaano niya nami-miss ang dating buhay na labis na naapektuhan ng pandemikong sakit na COVID-19.

Judy Ann Santos, emosyonal nang amining miss na ang magtrabaho sa set

Naging emosyonal si Judy Ann Santos nang maibahagi kung gaano niya nami-miss ang dating buhay na labis na naapektuhan ng pandemikong sakit na COVID-19.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/02/2020 12:47 PM
Judy Ann Santos, emosyonal nang amining miss na ang magtrabaho sa set
Photo credit: @officialjuday IG

Naging emosyonal si Judy Ann Santos nang maibahagi kung gaano niya nami-miss ang dating buhay na labis na naapektuhan ng pandemikong sakit na COVID-19.

Sa press conference ng kanyang bagong palabas na “Paano Kita Mapapasalamatan,” inamin ng aktres na isa sa mga nami-miss niya ay ang magtrabaho sa set, lalo na ang makasalamuha ang kanyang mga kaibigan, co-star at crew. 

“Alam mo siguro 'yung mga kaibigan namin, 'yung makapagpasalamat talaga sa kanila. Alam mo 'yung realization na pag natapos talaga lahat ng ito at pwede ko nang yakapin ang mga mahal ko sa buhay, every single time na makikita ko sila, yayakapin ko at magpapasalamat ako ng bonggang bongga kasi hindi mo na talaga alam ang mangyayari sa kinabukasan,” ani Judy Ann.


I miss my friends, I miss my team, I miss everyone. Namimiss kong makipag-interact sa actual set. Namimiss kong tumawa, namimiss kong magpa-Starbucks para sa lahat. 'Yung 'pag gusto mong maging happy ang ibang tao, magpapabili ako ng pagkain, gusto kong binubusog ang team ko,” dagdag pa niya. 

Noong Marso, pansamantalagang itinigil ng ABS-CBN ang pagtatanghal ng mga live entertainment show at taping ng mga teleserye nito bilang pagsunod sa deklarasyon ng pamahalaan ng community quarantine at pagbabawal ng pagtitipon nang maramihan upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Matapos nito ay tuluyang naipasara ang TV at radio broadcast ng ABS-CBN matapos maglabas ng cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission laban sa network noong Mayo 5, isang araw matapos mapaso ang kanilang 25-year legislative franchise.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglaban ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa, lalo pa’t muling naglabas ng CDO ang nasabing ahensiya na nagu-utos sa network na ihinto ang kanilang digital TV transmission sa Metro Manila gamit ang channel 43 (TVPlus), pati na ang SKYdirect ng Sky Cable Corp.