• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinag-aaralan na ng kampo ni Catriona Gray ang susunod na hakbang sa nagpapakalat ng mga umano’y hubad na larawan ng pinay Beauty queen.

‘Fake and digitally altered’: Kampo ni Catriona Gray papanagutin ang nagkakalat ng kanyang fake photo

Pinag-aaralan na ng kampo ni Catriona Gray ang susunod na hakbang sa nagpapakalat ng mga umano’y hubad na larawan ng pinay Beauty queen.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/19/2020 01:56 PM
‘Fake and digitally altered’: Kampo ni Catriona Gray papanagutin ang nagkakalat ng kanyang fake photo
Photo credit: @catriona_gray IG

Hot topic sa social media ngayon ang pagkalat ng umano’y mase-selan na retrato ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sa nakalap na larawan ng PUSH, makikita ang pinagdikit dikit na tatlong retrato ng 2018 Miss Universe na tila naliligo sa bath tub kadikit ng isang larawan kung saan makikita naman ang kaniyang dibdib.

Dahil dito, agad na bumuwelta ang kampo ng beauty queen matapos makarating sa kanila ang tila paninira sa imahe ng 2018 Miss Universe.

Sa isang official statement, sinabi ng abogado ng Pinay Miss Universe na kinompirmang fake at digitally altered ang kumakalat na retrato.

We want to inform the public that the photo is fake and digitally altered,” paglilinaw ng kampo ni Catriona Gray.

We actively coordinating with authorities to hold accountable whoever is behind this scheme and face penal sanctions accordingly,” bahagi pa ng statement.

Anila, papanagutin rin ang nagpapakalat ng fake at altered na retrato ng 2018 Miss Universe.

We will take legal action against those involved in the manufacture and publication of said photo.”

Naniniwala rin ang kampo ng beauty queen na isa itong malinaw na paninira sa imahe ni Catriona.

We strongly denounce this vicious attempt to tarnish the the good name of Ms Gray.”

Kailan lang ay naging maingay din ang pangalan ni Catriona sa social media dahil sa mga cryptic posts ng kanyang ex-boyfriend na si Clint Bondad. 

READ: Catriona Gray, bumuwelta sa patutsada ng ex na si Clint Bondad?

Sinasabi ng ilang netizens na patungkol ito sa beauty queen at sa kanyang current boyfriend na si Sam Milby. 

Bagama't may mga intriga, isinelabrate ni Catriona ang ilang milestones sa kanyang career, tulad ng pagkakaroon ng 10 million followers sa Instagram. 

Nagrelease din si Catriona ng bagong version ng kanyang awiting "We Are In This Together" kung saan kasama niya si Sam sa 'stripped' music video nito.

Ang awitin ay naglalayong makalikom ng 1M pesos para sa mga mag-aaral ng Young Focus na naapektuhan ang pag-aaral dahil sa COVID 19 pandemic.