• Home
  • Fresh Scoops
  • Child star Miguel Diokno, nalungkot sa pagka-shutdown ng ABS-CBN.

EXCLUSIVE: Child star Miguel Diokno, malaki ang utang na loob sa ABS-CBN

Child star Miguel Diokno, nalungkot sa pagka-shutdown ng ABS-CBN.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/19/2020 10:57 AM
EXCLUSIVE: Child star Miguel Diokno, malaki ang utang na loob sa ABS-CBN

Matalino at magaling umarte ang child actor na si Miguel Diokno, 10 years old, na nagsimulang mag-artista at the age of five.

Proud si Miguel na sabihing sa ABS-CBN siya unang nabigyan ng pagkakataong tuparin ang pangarap niyang umarte sa telebisyon.

“Naging part po ako ng FPJ’s Ang Probinsiyano as bully of Onyok noon. Nephew naman po ako nina Ate Bea (Alonzo) at Kuya Enchong (Dee) sa A Love To Last,” kuwento ni Miguel sa exclusive PUSH interview.


Dagdag pa niya, “Gumanap din po akong youn Paulo Avelino sa Asintado at young Kit (Thompson) din po sa Pamilya Ko.”

Eh, bakit nga ba gusto ni Miguel ang umarte?

“Nagustuhan ko pong umarte kasi po alam ko po na marami po akong mapapasaya at mai-inspired na mga tao lalo na po ang mga batang gusto rin pong subukang mag-showbiz,” sagot ng bata.

Ibinahagi rin ni Miguel ang lungkot at panghihinayang ngayong nagsara na ang ABS-CBN.

Aniya, “Sobrang nalungkot po ako kasi may nakalinya po na teleserye sana this year, pero na-cancel po dahil sa shutdown and madami po kaming friends  sa production na nawalan  po ng work.

“Ngayon po nag-start na po akong  mag-vlog sa YT channel para po maging busy po ako  habang naghihintay po ng possible projects.”

Ano ba ang ipinagpapasalamat niya sa ABS-CBN?

“Malaki po ang utang na loob ko sa ABS-CBN,” lahad ng bata. “Sa kanila po ako nagsimula at natupad ko po ang pangarap kong humarap sa camera dahil sa kanila.

“Do’n ko rin po nai-showcase ang talent ko. Dahil din po sa kanila ay natutunan kong humarap at makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao at maging professional sa work kahit bata pa po ako.”

Si Miguel ay nasa pangangalaga ng Asterisk Entertainment at Viva Artist Management (VAA) at naghihintay na muling mabigyan ng projects na isasabay niya sa kanyang pag-aaral.

“Sa ngayon po kasi dahil pandemic naka-standby lang po ako dahil medyo mahirap pong hanapan ng projects ang mga katulad kong minor pero hopefully  sana magkaroon po soon.

“Naka-enroll po ako at hindi ko po pababayaan ang studies ko. Sa ngayon bukod po sa studies ay naka-focus din po ako sa YouTube channel ko,” kuwento ng child actor.

Ano ba ang mensahe niya sa mga batang nag-aartista na naudlot ang pangarap dahil sa ABS-CBN shutdown?

“Ang mga payo ko po sa  kabataang tulad ko ay mag-aral pa rin po kayong mabuti, kung may pangarap po kayo tuparin n’yo at  huwag po kayong susuko, and siyempre po lagi po tayong magdadasal sa Diyos,” pahayag ni Miguel sa PUSH.