• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kabila ng pandemya, tuloy ang saya sa darating na MMFF ngayong Kapaskuhan.

Joshua Garcia, Vice Ganda, at Toni at Alex Gonzaga maghaharap sa 2020 MMFF

Sa kabila ng pandemya, tuloy ang saya sa darating na MMFF ngayong Kapaskuhan.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/18/2020 10:57 PM
Joshua Garcia, Vice Ganda, at Toni at Alex Gonzaga maghaharap sa 2020 MMFF
Photo credits to @garciajoshuae, @celestinegonzaga & @praybeytbenjamin on Instagram

Hindi magpapapigil sa pandemya ngayong darating na Kapaskuhan ang 2020 Metro Manila Film Festival na kinabibilangan ng mga premiyadong bituin.

Sa inilabas na listahan ng Metro Manila Development Authority o MMDA na nag-oorganisa taun-taon ng MMFF, kabilang sa listahan ang mga pelikula nina Joshua Garcia, Toni and Alex Gonzaga, at ang suki ng MMFF na si Vice Ganda.

Ayon sa organizers ng MMFF, ito ay base sa script na ipinasa ng mga production outfit na nagpahayag ng kanilang interest na maging bahagi ng taunang Film Festival.


Kabilang dito ang pelikula ng Regal Entertainment na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na pagbibidahan ni Joshua Garcia.

Ang Magikland ng Brightlight Leisure productions Inc. at Gallaga Reyes Films na pangungunahan nina Jun Urbano, Jamir Zabarte, Dwight Gaston, at Migs Cuaderno.

Ang The Exorcism of my Siszum ng TinCan productions nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.

At ang pagbabalik ng Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda na handog ng ABS-CBN Films.

Inaasahan naman na sa mga susunod na buwan, sunod na iaanunsyo ang apat pang pekikula na bubuo sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival.

Palaisipan naman ngayon kung saan ipapalabas ang mga pelikula na bahagi ng 2020 MMFF ngayong sarado pa din ang mga sinehan.

READ: Film producer Joji Alonzo, ibinahagi ang pangamba sa kinabukasan ng pelikulang Pilipino

Sa huli, umaasa ang mga production outfits na magkakaroon ng pagkakataon na makabawi ang Philippine Entertainment scene sa tulong ng mga pelikula na mapapanood sa Metro Manila Film Festival na inaabangan sa pagsapit ng Kapaskuhan.