• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naiwasan na maghayag ng kanilang saloobin ang malalapit na kaibigan ni Catriona Gray sa mga ibinibatong chismis laban sa Miss Universe.

Ina, kaibigan to the rescue sa patutsada ni Clint Bondad kay Catriona Gray

Hindi naiwasan na maghayag ng kanilang saloobin ang malalapit na kaibigan ni Catriona Gray sa mga ibinibatong chismis laban sa Miss Universe.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/18/2020 05:37 PM
Ina, kaibigan to the rescue sa patutsada ni Clint Bondad kay Catriona Gray

Kasunod nang sunod-sunod na cryptic social media posts ni Clint Bondad patungkol diumano kay Sam Milby at ex niya na si 2018 Miss Universe Catriona Gray, to the rescue naman ang isa sa mga malalapit na kaibigan ng beauty queen na si Sandra Lemonon.

Sa isang Instagram comment ni Sandra, dumipensa ito sa mga tila gusto sumira sa imahe ng kaniyang kaibigan sa mga negatibong chismis .

Ayon sa post, “Chismis Culture should be cancelled forever, it doesn’t benefit anyone in the long run,” caption ni Sandra sa caption.


Aniya pa, “Whatever is happening to him it is clear to see that he is not in healthy state of mind & it’s sad to see a lot of people treating this as a show.”

Depensa pa ni Sandra, “Humans are not perfect, people should stop expecting it on anyone,” bahagi ng pahayag ni Sandra.

 

 

Bukod kay Sandra, isa rin sa tila hindi na nakapagtimpi ang mismong ina ni Catriona na si Mita Gray.

Sa isang shared Instagram post ng isang fan, hindi naiwasan ng ina ni Catriona na sagutin ang user na umano nag-share ng mga compilation ng mga pahayag ni Clint.

 

 

“You continue to defame my daughter and you do so at your own peril,” sagot ni mommy Mita.

Sa ngayon, patuloy na inaabangan ng netizen ang mga pahayag umano ni Clint Bondad laban kay Sam at Catriona.